Chapter 29

737 15 2
                                    


A/N: Thank You for waiting readers!!

Hope you like it...



Xena's POV



Pagkatapos sabihin ni Drake ang mga walang kwentang bagay prenteng- prente  na naman itong natutulog sa silya nito and when I say prente..as in hindi talaga sya nahihiya sa pwesto nito, nakayuko ito habang pinagkrus ang mga braso at ang kanyang dalawang paa ay komportableng nakapwesto sa ibabaw ng mesa ni Cheska...kaya si Cheska naman ayun tuloy wala sa pwesto at  nakipagchismisan pa sa mga kaklase namin...tsk..ke aga aga!! Hay naku..kung gisingin nya kaya ang isang 'to?..


Palihim kong tiningnan ang natutulog na bampirA..at kahit nakapikit ang mga mata nito ay parang galit dahil sa magkasalubong na mga kilay nito

'Ano na naman kaya ang pinagkakaabalahan nito at natutulog na naman sa loob ng classroom?? Hindi kaya busy ito sa pag-inom ng dugo ng mga tao?? Or worst sa pagpatay? ' tanong ng utak ko

Sana naman mali ako ng naisip na maaaring sya nga ang pumatay kay Ms.Chavez at ang ikinatakutan ko ay kung marami kaya ang mga katulad nya sa mundong ginagalawan namin?

Agad kong iniling ang ulo ko nang biglang pumasok ang new prof. namin  na si Sir Kit.

Nag-siayusan agad sila ng upo at biglang tumahimik ang buong classroom, Si Sir Kit mukhang iba na naman ang dala nyang aura...


Pinasadahan nya ng tingin ang buong paligid at tumigil ito kay Drake...bigla na naman akong kinutuban...agad hinanap ng paningin ko si Cheska na kasalukuyang nakaupo sa bakanteng silya...nakahinga ako ng maluwag ng nakahanap agad ito ng mauupuan Ayaw  kase ni Sir Kit yung magulo ang klase

Kita kong ngumiti si Sir Kit sa direksyon ko , hindi ko alam pero bigla akong nanlambot, mukhang may ibig sabihin ang mga ngiti nito sa akin...tinuon nya ulit ang tingin sa katabi ko which is kay Drake ngunit ilang sandali bigla itong naging seryoso

Tumikhim ito pero ang taong ito, ay este itong BAMPIRA na ito tulog mantika parin


"Well, umagang-umaga may natutulog na sa klase ko?" seryosong wika nito


Agad kong pasimpleng kinalubit ang natutulog na bampira and thank God bahagya itong kumilos at binuksan ang isang mata at kinindatan ako?

A-aba't maloloka ata ako sa kanya..may gana pang mangloko ang bampira na ito

Instead na mainis ako sa ginawa nya natatakot ako sa magiging reaksyon ni Sir...

Ewan ko ba at kung bakit ako natatakot kay Sir Kit eh mukha naman itong mabait

Tinitigan ko si Drake pero ang walang'ya humikab pa ng pagkalakas lakas kaya , tahimik ang buong paligid at tanging paghikab lang nito ang pumaibabaw sa loob ng classroom, wala sa oras ko itong marahan na kinurot

"Nandyan na si Sir" bulong ko,kumunot bigla ang noo nito..


Drake's POV

"Nandyan na si Sir" kuno't noo ko syang tinignan

Pasimple nyang tinuro si Kit gamit ang mga labi nito na sa pakiramdam ko ay nasa sa harap na..

"Psh! , What now huh?" Saad ko na may halong bagot ,kita ko namang napangiwi ito sa ibinigay kong sagot

"A-ano? Aba't---" mag-uumpisa na sana syang pumutak ng tumikhim ang tusong nilalang na nasa harap namin

Pinanlakihan muna ako ng mata ni Xena bago nya itinuon ang tingin sa harap

The VAMPIRE's PLAYBOYUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum