Xena's POV
"AAAAAAHHH!!!!"rinig naming sigaw ng di kilalang babae
Napatingin kami sa isa't-isa ni Calvin ng makarinig kami ng kakaibang sigaw..
Kinabahan ako bigla..
"Anong nangyayari?" naguguluhang tiningnan ko si Calvin, nakatitig lang ito sa mga mata ko
"You can't leave this room Xena, mas mainam ng hindi ka lumabas" seryosong saad nito
"B-bakit?, bakit hindi ako pwedeng lumabas ?? May nangyayari ba sa labas?" sabi kong nanginginig ang katawan sa takot
Ano bang nangyayari sa akin???bakit ako kinabahan ng ganito?
Lumapit sa direksyon ko si Calvin , hinawakan nya ako sa magkabilang balikat
"Calm down Xena, basta makinig ka lang sa sasabihin ko, hindi ka pwedeng lumabas"
Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko, di alam kung anong gagawin
Bakit ako kinabahan ng ganito??
At, ano yung mga pinagsasabi nya??
Sila Nicole ... sana walang nangyari sa kanilang masama
Nakarinig na naman kami ng sigaw...
Dumistansya sa akin si Calvin at may tinatawagan
"F*ck!! Answer this damn phone James" mura nito
Ilang subok nya pang tawag ng sinagot ito...
Dahan-dahan akong nagtungo sa pinto
"Xena, sandali---"di ko na tinapos ang sasabihin ni Calvin basta umalis nalang ako at hahanapin ko mga kaibigan ko..
Nasa may kalagitnaan ako ng hallway ng mapansin kong hindi gumagalaw ang mga estudyante
Nanginginig ang magkabilang tuhod ko
"Ano bang nangyayari?"sabi ko, nangyayari na naman ba yung kinatakutan kong nangyari sa akin noon?? I know this time hindi na ako nagmamalikmata lamang...So tama nga talaga ako ng hinala , tama ako dati nung unang pumasok si Drake sa classroom namin.
At alam kong sa oras na ito hindi ito imahinasyon lang...
Agad kong tinungo ang room namin para makita yung mga kaibigan ko pero halos namanhid ang buo kong katawan sa nakita ko
Wala ni isa ang gumagalaw...
Dahan-dahan kong pinasok ang silid pero hindi mahagilap ng mga mata ko ang mga kaibigan ko
"Shit! Nasaan kayo?" sunod-sunod pumapatak ang mga luha ko
Lumabas ako ng room at naglakad pa
Sa paglalakad ko naagaw ang atensyon ko sa building nila Calvin, may naririnig akong mga boses , mahina ito mula dito sa direksyon ko
Lumapit ako sa room nila, nakakita ako ng isang pamilyar na bagay na kumikinang na nasa tapat ng pinto ng room , kinuha ko ito
"Kwintas to ni Cheska ah" kinuha ko ito at nilagay sa bulsa ko,mula sa room may narinig akong umungol sa loob ng room
"Arggh" rinig ko
Lakas loob kong pinasok ito
Madilim ang silid, kinapa ko agad ang cellphone ko para maging flashlight mula sa madilim na silid na ito, nagkalat ang tila dugo na nasa sahig, pinahid ko ang dugo sa aking mga daliri at sinuri kung kasama ito sa mga palabas nila Calvin kaso hindi..d-dugo ito ng tao...
Nabalik ako sa realidad ng may narinig na naman akong kakaiba mula sa dilim, nagpalinga-linga ako, awtomatiko naman akong napatakip ng bibig ng makitang mas nagkalat ang mga dugo sa sahig...sinundan ko ito hanggang mas naliliwanagan ko ang mga tinig, sa gitna ng room may kaunting ilaw akong nakita kaya agad kong ni off ang cellphone ko at nagtago
![](https://img.wattpad.com/cover/62069048-288-k208324.jpg)
DU LIEST GERADE
The VAMPIRE's PLAYBOY
VampirgeschichtenSi Xena ay isang simpleng dalaga, isang mabuting anak ,kapatid at pati na rin sa mga kaibigan. Mahirap man ang buhay nila busog naman ito sa pagmamahal ng kanyang Ina. Para sa kaniya, lahat gagawin nito para sa ikakaahon ng kaniyang pamilya. Isa l...