Ginataang Gulay

1.7K 17 0
                                    

By: CarlosUniverse Watty

Paano magluto ng Ginataang Gulay?  

Wala ka bang lakas dahil kulang ka sa pagkain ng mga masustansiyang gulay? Wala ka bang lakas sa pagpapatuloy sa inyong trabaho, o ginagawa? Wala ka bang lakas para makapag-isip ng tamang gagawin, at desisyon? Wala ka bang lakas para magmove on sa lalake/babae mo, na humanap ng iba at ang masaklap ay nalaman mong babaero/malanditera pala? At higit sa lahat, wala ka bang lakas para kalimutan siya?

Kung oo ang iyong sagot, aba tuturuan kita kung paano magluto ng Ginataang Gulay na isang masustansyang pagkain para ikaw ay lumakas!

Para sa mga kasangkapan, kakailanganin mo ang mga susunod na INGREDIENTS:

- 1 kutsarang mantika
Isang kutsara lang dahil hindi naman ito prito para damihan mo ng mantika. Huwag mo itulad ang sarili mo sa kanya na hindi nakuntento kaya mas piniling maghanap ng iba! Ano? The more the merrier tapos sasali ka pa?! Gising-gising din! Tinalo mo pa ang tulog na mantika kung mananatili ang pagtingin mo sa kanya! Sabi nga sa kanta ni Jolina Magdangal, tama lang ang tama lang.

- 1/2 kutsarita ng tinadtad na bawang
Tadtadrin mo ito ng pinung-pino. Dito mo ibuhos ang lahat ng galit mo sa kanya dahil sa ginawa niyang panloloko sa'yo. Yung sinabi niyang "Ikaw lang talaga", panlilinlang lang iyon dahil ang totoo, "Ikaw lang talaga yung walang alam na marami pala kayong mahal ko, " yan ang gusto niyang sabihin.

- 1 piraso ng maliit na sibuyas na tinadtad
Kagaya ng tinadtad na bawang, mas marami ito na kailangan mong tadtarin. Kagaya rin ng sa bawang, ibuhos mo rin lahat ng hinanakit mo sa ginawa niya. Umiyak ka kung gusto mo at damhin mo ang pag-iyak mo dahil lahat o kadalasan naman talaga sa mga taong nagtatadtad ng sibuyas ay naiiyak. Huwag nang choosy! Okay lang kung umiyak ka man dahil natural lang naman 'yun sa mga taong nasasaktan. Nandiyan naman yung sibuyas para damayan ka upang mas lalo kang maiyak.

- 1 tasa ng gata
Yung gata na galing sa pagpiga na gamit ang iyong kamay ha. Pigain mo nang husto kagaya na lang ng naramdaman mo nung iniwan ka niya. Diba parang piniga rin naman yung puso mo nang nalaman mong may iba siya at marami sila? Experienced ka na, kaya i-apply mo ulit ito ngayon sa pagluluto mo!

- 1/2 piraso ng maliit na kalabasa, hiniwang pakuwadrado
Hiwain mo ito ng pakuwadrado at huwag kang gumawa ng ibang style na gusto mo. Sundin mo kung ano ang nakasaad. Sinunod mo na nga yung puso mo na parating naiisip yung nang-iwan sa 'yo kaya hindi ka maka-move on, pati ba naman ito eh hindi mo susundin kung anong nararapat? Huwag martyr teh.

- 1 tali ng sitaw, pinutol ng 1-inch ang haba
1-inch lang ang haba ha? Huwag yung masyadong mahaba dahil ibang iba ang haba ng dapat na hiwa para sa sitaw kumpara sa haba ng pasensya mo para sa taong mahal mong may iba namang mahal.

- 1 kutsarita ng asin pantimpla
Siyempre kailangan ng asin para naman magkaroon ng lasa ang iyong niluluto. Mas magandang may alat kaysa naman puro ka-bitter-an yang nalalasahan mo.

- 1 kutsarita ng paminta pantimpla
Kailangan ng paminta para naman mas maging masarap ang ulam, hindi yung hindi nga okay yung lovelife mo sa ngayon eh pati niluluto mo ay idadamay mo.

- 3 piraso ng siling labuyo
Oo siling labuyo nga! Para naman ma-feel mo 'yung anghang at magising ka rin sa katotohanan na kailangan mo nang mag-move on dahil hindi siya deserving for you! At tatlong piraso nga na para sabihin na hindi "I love you" ang meaning kundi "I'll move on"!

Para sa paraan ng pagluto:

1. Sa isang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
- Dapat igisa mo talaga sila. Paalala lang pala, kapag nagisa na silang dalawa, huwag kang bitter dahil sabay silang ginigisa kasi sila ang patunay matatag silang magkasama. Hindi yung kagaya ng relasyon niyo na ikaw nalang at nagmamahal mag isa kasi nagsawa na siya at iniwan ka na.

2. Ibuhos ang gata. Hayaang uminit ng hindi kumukulo.
- Sabi nga sa paraan ng pagluto, hayaang uminit ng hindi kumukulo kaya dapat mo itong bantayan. Bantayan mo talaga dapat kasi nga sa lovelife mo eh hindi mo siya binantayan kaya matagal mo nalaman na hindi ka lang pala nag iisang mahal niya kaya huwag mo ng payagan ang sarili mo na pati sa pagluto ay hindi mo mababantayan. Bahala ka kung wala kang makakain na ulam. Masasaktan ka na naman.

3. Idagdag ang kalabasa at sitaw.
- Idagdag mo na ang mga kasangkapang iyon dahil ang kalabasa at sitaw ang magbibigay lakas sa 'yo sa ulam na ito.

4. Timplahan ayon sa panlasa.
- Timplahan mo na yung niluluto mo pero yung tugma sa ulam ha. Baka lagyan mo ng mapait na lasa dahil sa pait na nararamdaman mo.

5. Idagdag ang siling labuyo kung nais na maanghang.
- Lagyan mo kung gusto mo. Pero mas gusto ko na lagyan mo at pwede rin na damihan mo para magising ka na nang tuluyan na hindi ka na niya babalikan at mamahalin pa. Move on na. Be happy.

6. Hayaang maluto ang mga gulay.
- O ayan, hayaan mo daw. Kagaya sa lovelife mo, hayaan mo na maging masaya siya sa mga ginagawa niya. Hindi ka na nga mahal, bakit mag-a-assume ka pa? Kinalimutan ka na, bakit mo pa siya iisipin? Mag move on ka na rin para pareho na kayo maging masaya.

7. Ihanda kaagad.
- At naluto na rin ang iyong niluluto at pwede mo na itong ihanda sa hapag-kainan! Paalala, huwag mag-assume na sasabihin nila ang gusto mong marinig bilang komento sa niluto mo ha? Masasaktan ka na naman. Ang importante, niluto mo ito at pinaghirapan mo at saka may natutunan ka pa.

At natutunan niyo na ang pagluto ng Ginataang Gulay! Sana may natutunan kayo sa pagluto nitong ulam na ito. Maraming salamat!


--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now