Pritong Hotdog

908 15 0
                                    

  By: CJ Arcenas  


Paano ba magluto ng Hotdog?  


Mga Sangkap:

Hotdog at mantika lang (Oo dalawa lang para hindi komplikado gaya ng relasyon natin.)


Paraan ng Pagluluto:

Una, tanggalin mo yung balat. Oo yung balat lang, huwag mo nang isama ang iba. Biglain mo, katulad noong pagtanggal mo ng pagmamahal mo sa akin nang biglaan...

Pangalawa, hugasan mo. Dyan ka naman sanay 'di ba? Ang maghugas para lang malinis at matakpan ang marumi mong pagkatao!

Pangatlo, ihanda mo ang kawali at mantika. Silang dalawa lang. Huwag mo nang isama yung hotdog. Past na iyan eh. Tapos na pero babalikan mo pa? Tae ka! Magsama kayong dalawa. 

Pang-apat, painitan mo 'yung mantika. Katulad ng pagpapainit mo sa pagmamahalan natin, hanggang sa tuluyan na akong mapaso... at madarang sa isang apoy na wala ng labasan...

Panglima, balikan mo 'yung hotdog. Oo 'yung hotdog. Ganyan ka naman hindi ba? Kapag nalaman mong mahal mo pa siya at wala na akong halaga. Mang-iiwan ka! Pipiliin mo ulit siya!

Pang-anim, hantayin mong uminit ang mantika. Sanay ka namang maghintay... kung para sa kanya... hindi mo man lang naisip na nandito pa ako namamalimos sa katiting na pagmamahal mo...

Pangpito, halu-haluin mo iyong hotdog. Oo alam ko. Katulad ng ginagawa mo sa akin hindi ba? Pinaghahalo mo ang kwento para lang mapaniwala akong mahal mo pa ako. Pero huwag mo nang hantaying masunog, bago kayo pang dalawa ang sunugin ko! Magsama kayo. Hindi na ako papauto 'no?

Pangwalo, itapon mo na iyong mantika kapag luto na yung hotdog. Ganon rin ang ginawa ko. Itinapon ko na ang katiting na pagmamahal ko sayo pagkatapos kong magpakamartir, at magpaloko sa iyo! Ano ka? Anong akala mo hindi ako magigising sa katotohanan? Magsisisi ka, katulad ng mantikang itinapon mo... naalala mong may halaga pa pala kahit patapon, at nagamit na...


--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now