Ginisang Ampalaya na May Itlog

728 10 1
                                    


By:Leenmar P. Candelaria


Gusto mo ba ng mapait-pait ngunit masarap na putahe? Kung oo, pwes! Heto ang recipe ng Ginisang Ampalaya na may itlog.

Akala mo siguro ay luto na at kakainin na lang 'no? Kung ganoon, mali ka dahil ikaw ang magluluto. Hindi naman kasi pwedeng palagi na lang "Grab, eat and enjoy." Paminsan-minsan kailangan mo ding paghirapan ang isang bagay bago ito makuha." Work hard, succeed and enjoy."

"Ginisang Ampalaya, panigurado maraming may ayaw sa iyo. Pero ok lang 'yan. Ayawan ka man ng lahat, nandito naman ako dahil gustong-gusto kita."

MGA SANGKAP

*2 ampalaya
*3 kamatis
*3 cloves ng bawang(tinadtad)
*1 sibuyas(tinadtad)
*paminta at asin
*1/2 tasa ng tubig
*1kutsarang mantika
*1/4 giniling na baboy(optional)
*1 itlog

PARAAN NG PAGLULUTO

1. Asinan ang ampalaya at iwanan ito sa loob ng sampung minuto. D'yan ka naman magaling diba ang mang-iwan. Pero ok lang alam ko namang babalikan mo ako.

2. Sa isang kawali painitin ang mantika. Oo, painitin mo muna huwag mong itulad sa relasyon nating nawalan ng init at tuluyang lumamig.
3. Pag mainit na, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.  tutal d'yan ka naman magaling ang pagsabay-sabayin kami.
4. Pagkagisa ay ilagay na ang giniling na baboy. Optional lamang ito. Totoo naman diba? Option mo lang ako. Kapag kailangan mo 'ko saka mo lang nakikita ang halaga ko.
5. Dagdagan ng tubig at hintaying kumulo. Pagkatapos ay ilagay na ang ampalaya at takpan ito sa loob ng 3 minuto. Palagi naman 'di ba? Kung kailan okay na ang ating relasyon, saka pa may dadating, makikidagdadg at makikisapaw. Hindi ba pwedeng ako na lang at wala nang iba?
6. Pagkatapos ay ilagay ang binating itlog. Haluin ito hanggang sa maging firm. Galingan mo ha. Magaling ka naman d'yan eh, ang sirain at saktan ang puso ko. At hindi lang pinaikut-ikut mo pa ako at pinaasang ako lang ang nag-iisa.
7. Budbudan ng asin at paminta, Pampalasa. Siguraduhin mong sapat at tama lang mahirap kasi kapag sumobra baka hindi mo magustuhan at ikaw lang ang magsisi sa huli.

Kapag naluto mo na ang ginisang ampalaya. Tikman mo na. Para naman malaman mo kung gaano kapait ang nangyari sa relasyon natin.

--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now