INTRODUCTION

1.8K 33 4
                                    

Sabi ng iba, ang pagluluto daw ay parang pag-ibig lang. Kapag in-love ka, usually daw ay sumasarap ang luto mo dahil nga punong-puno ka daw ng inspirasyon. At pag naman broken-hearted ka, asahan daw na ang matamis mong niluluto ay madalas ay tumatabang at ang maalat naman ay nagiging saksakan ng alat at ang masarap ay minsan ay pumapait at siguradong hindi tama sa timpla.

Ano nga ba ang mangyayari, kung sa bawat recipe mo ay may hugot kang makukuha? Ano nga bang mangyayari, kung sa bawat sangkap ng iyong niluluto ay maaalala mo ang ex mo, ang taong nang-iwan sa'yo o ang taong dumurog ng puso mo at naging dahilan ng pagkayanig ng tahimik mong mundo? Sasarap pa kaya ang pangarap mong masarap na ulam para sa umagahan, tanghalian o hapunan?

Ang mga susunod na Hugot Recipes ay pinaghalu-halong submission mula sa mga hugutero at huguterang writers ng Wattpad Writers Guild. Hindi natin alam ang pinagdadaanan nilang lahat kaya't pagpasensyahan na natin kung anumang klaseng mga salita ang nagamit nila sa pagsulat ng kanilang mga recipes. Ang tanging hangad lang nila ay ang humugot ng damdamin gamit ang mga sumusunod na lutuin.

Warning: Some words may not be suitable to very young readers.

Disclaimer: This book is not intended as a substitute for real recipe books. The reader should consult a true recipe book upon looking for the accurate ingredients and procedure of each food they want to cook. 


The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now