Carbonara (New Version)

318 7 0
                                    

By: Maureen Catura


INGREDIENTS:

Linguine or Spaghetti Pasta

Bacon

Onion and garlic

Salt and pepper

Olive Oil

Parmesan cheese

Parsley

Eggs


PROCEDURE:

1. Ihanda mo na ang mga ingredients, hind 'yung kung kailan kailangan mo lang, doon mo lang maaalala. Subukan mong makalimot ng ingredients dahil pati ba naman sa Carbanora, magkukulang ka?

2. Pakuluan mo ang pasta para lumambot, para hindi tumulad sa matigas at manhid mong puso. Kapag malambot na, lagyan mo ng olive oil then i-set aside mo, balikan mo, ha? Sayang kapag hindi mo binalikan, at tapos may makakakuha nang iba.

3. Durugin mo 'yung bacon. Siguro kung ako 'yan, durog na durog ang bacon sa sobrang galit ko sa mga taong tume-taken for granted. Pero siguro kung ikaw 'yan, mastered mo na 'yan, ang galing mo kaya mandurog ng puso. I-chop mo na din 'yong onion and garlic, nahiya ka pa, ayaw mo 'yon? Ang rami mong sisirain, tulad ng ginawa mo sa akin. Hindi lang puso ko ang sinira mo, pati ang dignidad ko bilang tao. Sorry ha? Nagpaka-tanga kasi ako kaya ang rami naming babae mo.

4. Isalang mo na sa pan ang bacon, onion and garlic. Pagsama-samahin mo. Pagsabay-sabayin mo. Hiyang-hiya pa nga ang mga ingredients na 'yan dahil ang konti nila kaysa sa mga babaeng pinaglaruan mo.

5. Lagay mo na sa pan 'yong pinalambot mong pasta. I-drain mo ha? Isunod mo naman ang 2 itlog at 1/2 of parmesan cheese. Ganyan ka naman eh, sunod-sunod kaming babae mo. Lagyan mo na rin ng salt and pepper depende sa taste mo. Paano ba 'yan lahat kami taste mo? Galing mo rin pumili ng babae eh. Ang rami.

6. Tapos ka na? Diyan ka naman magaling eh, ang magtapos ng bagay na sinimulan mo. Infairness, ang bilis matapos. Mastered mo na talaga, 'no? After ng lahat ng yan, lagyan mo ulit ng parmesan cheese and parsley para mas sumarap. After n'yan, kainin mo na, ubusin mo, mabulunan ka sana. Sanay ka namang mang-ubos ng tao. Parang ang dali-dali lang sa'yo na iwan ako kaya iwanan mo rin kapag inubos mo na. Nasarapan ka na eh kaso ubos na, anong silbi pa niyan sa'yo, di ba? 


--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now