Fried Rice

361 8 0
                                    

By Akisha Roswell


INGREDIENTS:
-cooked rice
-cooking oil
-onions and garlic

PROCEDURE -

1 - Una (oo unang una, kagaya niya unang una siya palagi sa mga priorities mo), ilagay ang mantika sa mainit na kawali. (Buti pa ang kawali mainit diba? Di katulad mo, nanlalamig ka na sa akin.)

2 - Pangalawa (Alam kong hindi pa rin ako yan dahil wala namang tayo. Ako lang itong umaasa na meron), ilagay ang manok. Walang manok? (Parang tayong dalawa. Akala ko meron pero ako lang pala ang nag-iisip nun dahil wala naman pala talaga.)

3 - Hiwain ang sibuyas at bawang. (Sa paghiwa ng sibuyas, iisipin kong ikaw yun. Dahil kahit alam kong papaiyakin mo lang ako, ipagpapatuloy ko pa rin dahil ito ang gusto ko eh at dito ako masaya.) Sa bawang naman, hiwain mo ng pinong-pino. (Parang puso ko noong nalaman kong umasa lang ako sa wala. Yung puso kong parang bawang na buo mong kinuha pero durog na durog nang ibalik mo na.) Hintayin mo lang  maluto nang kahit kaunti. (Kaya ko yang hintayin. Kung ikaw nga na matagal kong hinintay dahil baka sakaling mag work tayo eh nakaya, ko ikaw pa kaya?)

4 - Kunin mo na ang lalagyan na punung-puno ng kanin. (Parang ako din, punung-puno ng pagmamahal sayo. )Pagkatapos ay haluin mo nang haluin. Huwag masyadong malalim ha? (Para naman kapag ikaw ang iniwan eh hindi ka ganun masasaktan.)

5 - Kapag maayos na pwede mo ng hanguin. (Sa atin na malabo nang maayos, sana katulad ng niluto ko na kaya ko ring hanguin ang sarili kong nahulog nang malalim sa 'yo.)

Ikaw na kakain na lang ay di man lang alam kung ano ang paghihirap at pinagdaanan ng gumawa niyan. Ang akala mo kasi, porke masaya ako sa harap mo ay okay lang ako. Pag kinain mo yan isipin mong ako 'yan. Kaning punung-puno na nasa tasa, sibuyas na kahit nakakaiyak ay tuloy parin, bawang na parang puso kong nahati ng pinung-pino. 

Then, pagkatapos mong kumain? Wala na... Makakalimutan mo na kung sino ang nagluto at ang pinagdaanan ng gumawa niyan. Well, ganyan ka naman talaga eh.


--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now