Graham Balls

717 14 0
                                    


By:Jhon Mark Nava Flores


NGREDIENTS:

2 packs Crushed grahams (parang yung puso ko nung iwan mo ako durog na durog)

1 can Condensadang gatas
Sprinkles (optional, parang ako lang, option mo lang pag bored ka pag wala yung isa mo pag wala ka mapagtripan.)

PROCEDURE:

First ay ilagay ang crushed grahams sa bowl.

Tapos ilagay ang gatas ng dahan dahan, di tulad ng ginawa mong pag iwan sakin noon na bigla bigla na lang , di ka man lang nag abiso pukang ama ka.

Haluin mo hanggang wala ng tuyo graham dapat basa lahat, parang yung unan ko na basang basa ng luha ko.

Kumuha ng konti at ilagay mo sa kamay mo. Paikutin mo hanggang maging bilog. Tulad ng ginawa mo sakin binilog mo pinaikot mo lang.
Tapos iniwan sa isang tabi.

Tapos budburan mo ng sprinkles na ibat iba ang kulay tulad ng mga lalake mo na iba iba din ,walangya ka at pinost mo pa with matching picture pa, anak ka ng tupa.

At finally meron ka ng sobrang sweet na graham balls pero kontian mo lang at baka magkasakit ka. Parang ako lang dati sobrang sweet binigay ang lahat lahat pero iniwan mo kaya ngayon ay ang sakit sakit.

--edited

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now