Sinigang Na Baboy

1.4K 20 0
                                    


by:Jane Rosani

MGA SANGKAP (Kailangan alamin ang sangkap kung gaano ka naging TANGA sa pagmamahal niya):

- 1 kilo laman ng baboy. Pwede mo naman lagpasan ang 1 kilo kung hindi ka marunong makuntento. Diyan ka naman magaling 'di ba?

-1 tasa sampalok. Dapat isang tasa lang talaga baka ang asim na noon kung lagpas ng isang tasa. Hindi mo naman kailangan ng marami para sabihan kang marunong magluto o marunong magmahal dahil sa ginagawa mo nakakasakit ka na sa taong nagmamahal sa'yo.

-1/2 kutsarita asin. 'Pag dinamihan mo marahil ang sobrang alat na noon. Gaya na lang ng pagmamahal mo sa akin, ang alat. Dahil sa alat hindi ko na kinaya at umiyak na lang sa sulok.

- 4 piraso kamatis (buo lamang). Oo, dapat buo ang pagmamahal mo sa akin. Hindi kalahati sa akin at kalahati rin sa kanya. Dapat sa akin lang ang pagmamahal mo. "wag kang gago!

-1 tali petcay, kangkong, okra at sigarilyas. Dapat sa ka-relasyon ka lang magpatali, 'wag ka nang maghanap ng iba. Malandi ka!

- 3 pirasong gabi. Oo, dapat tatlo lang gago ka! Alam mo kung ano 'yon? Hindi mo alam? Malandi ka kasi! Ito sasabihin ko sa'yo. Makinig ka 'wag ka munang maglandi ng iba sa akin lang ang atensyon mo. Ang tatlo ay ang PAGMAMAHAL, RESPETO at UNAWA. Alam mo na? Huwag mo pa lagyan ng kalandian para maging apat!

PARAAN SA PAGLULUTO (para naman alam mo kung paano ka niya sinaktan.):

1. Palambutin ang karne. Gaya na lang ng ginawa mo sa'kin nu'ng una. Pinalambot mo ang loob ko sa'yo hanggang sa mahulog ako sa'yo ng tuluyan.

2. Pakuluan ang aparteng kalderong may kaunting tubig, kamatis na buo at sampalok. Dinahan-dahan mo ilagay ang mga sangkap katulad nang ginawa mo sa akin para makuha ang pagtitiwala ko.

3. Kapag lumambot ang karne ay ihulog ang buong gabi. Diba 'yan ang ginawa mo sa akin? Nang makuha mo na ang pagtitiwala saka mo na ako ihulog ng basta-basta kahit nasasaktan at umiiyak ako.

4. Kapag malambot na ang gabi ay isabay ang sitaw, kangkong, sigarilyas at okra. Oh 'di ba 'yan din ang ginawa mo? Nang sobrang lambot ko na sa'yo at buo na ang pagtitiwala ko hinaluan mo na agad ng sakit at kirot ng puso ko. Pinaiyak mo ako 'di ba? Gago ka!

5. Hanguin at ilagay ang nilagang kamatis sa pinggan at ligisim o pigain at ihulog sa sabaw ng sinigang gaya na lang ng ginawa mo sa akin, piniga mo ang puso ko hanggang nadurog ito saka mo ako iniwan basta-basta.

6; Isama ang asin ayon sa alat at asim. Dapat ganyan ang ginawa mo sa akin para maganda ang kalabasan sa pagluluto pero iba ang ginawa mo sa akin eh, sinama mo ang pananakit mo sa puso ko, pinaiyak mo ako, pinagtiwala mo ako at ginawa mo akong tanga kaya nahihirapan ako. Gago ka talaga!

Oh alam mo na kung paano mo ako sinaktan este magluto ng sinigang na baboy. Sundan mo 'yan para alam mo kung gaano ka niya sinaktan. Dapat sakto lang ang timpla o katangahan para hindi ka masaktan sa huli.

--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now