"The Instant Pancit Canton Inspired Relationshit''

395 5 0
                                    


By: Engkandyosache

Sa panahon ngayon, bibihira na lang ang tumatagal na relasyon. Karamihan panandalian. Madalas mabilisan! Parang pagluluto ng instant pancit canton, kaya naman habang naghahanda ako ng ilang pakete ng nasabing pagkain ay naisipan kong gawan ito ng hugot.

Una, bumili ka ng instant pancit canton. 'Yong mura lang, kagaya ng cheap niyang pagmamahal sa'yo! Iyong sa sobrang mura ay mapapamura ka talaga.

Piliin mo iyong brand na kapag binayaran mo ng buo ay masusuklian ka nang tama. Huwag mo itong itulad doon sa malaking halaga ng pag-ibig na ibinigay mo sa kanya na hindi niya natumbasan ni kusing na duling.

Pangalawa, buksan mo ito saka kunin ang laman nitong noodles, pagkatapos ay hatiin mo sa gitna. Katulad noong binuksan niya ang puso mo, kinuha ang pagmamahal mo pero sa huli ay dudurugin niya lang din pala!

Pangatlo, magpainit ka ng tubig. Iyong mainit na mainit hanggang sa kumulo ito, kagaya ng pagpapa-init mo sa relasyon ninyo. Ngunit dahil sa labis na apoy, kapwa kayo napaso.

Pang-apat, ilagay ang noodles sa kumukulong tubig. Tusok-tusukin ito gamit ang tinidor at hintaying magkahiwa-hiwalay. Parang nang inilagay ka niya sa naglalagablab na sakit, paulit-ulit na dinutdot ng kawalang hiyaan hanggang magkawasak-wasak ang puso mo.

Habang nakasalang ang noodles, ihanda mo na rin ang kakaunti nitong seasonings. Iyong tipong sa sobrang limitado nito ay hindi sapat para sumarap ang iyong kakainin.

Ayos lang iyan, nasanay ka namang kapirangot ang idinulot niyang spices sa pagsasama n'yo kaya matabang din ang naging pakikitungo niya sa iyo.

Sumunod, kapag lasog-lasog na ang noodles ay salain mo ito sa strainer. Ubusin mo lahat ng tubig na nanoot sa noodles katulad ng pag-ubos niya sa pagmamahal na idinulot mo sa kanya.

Panghuli, isahog ito nang mabuti sa seasonings. Siguraduhing sabay-sabay at pantay-pantay ang pagkakahalo nito. Ganoon din ang ginawa sa iyo ng hinayupak mong ex diba? Pinagsabay ka sa ibang babae! Subalit ang masaklap sa parteng ito ay ang katotohanang hindi ka pumantay sa pagsintang ibinigay niya sa kabit nito.

Pagkatapos mong lutuin ang instant pancit canton inspired relationshit mo, mababatid mong hindi lang alat ang lasa nito kundi pait. Haha! Pero dapat kainin mo pa rin ito, iikot-ikot mo sa tinidor gaya ng pagpapa-ikot niya sa'yo.

Kainin mo lahat. Isubo mo lahat. Huwag kang magtitira! Ganyan naman talaga sila e, lahat isinubo sa'yo, lahat pinalunok ultimo jabar kapag kumekembelar kayo. Pagod ka na nga, wala pang natira sa pagkatao mo!

Ubusin mo lahat ha. Magpakabusog ka. Busog na busog hanggang sa puntong masuka ka na.

Busugin mo ang sarili mo sa hinagpis at galit para tuluyan mo nang ma-i-luwa ang lahat ng putang inang alaalang meron kayong dalawa! Iduwal mo na lahat ng katarantaduhang ginawa niya sa puso mo! Isuka mo lahat ng ka-shitang isinaksak niya sa sistema mo!

Sa kabila ng lahat ng ito, muli kang bumili ng pancit canton. Magmahal ka ulit. I-enjoy mo ang pinaka malinamnam na seasoning ng buhay, ang 'pag-ibig.' Sapagkat madalas ang buhay ay wangis ng paborito nating meryenda, instant.

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now