Lumpia

506 7 0
                                    

By: Gemalyn Sayco


MGA SANGKAP:

Simple lang naman ang mga kakailanganin. Hindi tulad ng pagmamahal mo, maraming proseso para lang maangkin ko ang matamis mong "OO".

Ihanda mo ang, manok na wala ng buto, mga pinaghalong gulay, bawang, sibuyas, maggie at black pepper. Kailangan wala kang makalimutan, tulad ng ginawa mong paglimot sa anibersaryo natin.


PARAAN NG PAGLULUTO:

Hiwain mo ng malilit ang manok.
"Oo, hiwain mo tulad ng paghiwa mo sa puso kong buong-buo mong kinuha pero wasak na ng iyong ibinalik.

Kumuha ka ng isang maliit na kawali. Painitin mo, iyong init na mararamdaman mo pagkasama mo ako noon. Lagyan mo ng mantika, mantikang hindi ka madudulas pag ikaw ay umakyat sa ibabaw niya.

Igisa mo na ang mga nabanggit na sangkap mula sa bawang hanggang sa manok. Hintayin mong maluto ang manok bago mo ilagay ang gulay.

Kailangan, lutong-luto ang manok kagaya ng ginawa mong pagluto sa mga kasalanan mo para hindi na maamoy ng kahit sino. Siguraduhin mong masarap ang lasa, iyong lasa na hindi ka niya iiwanan kundi babalik-balikan ka niya.

Kuhanin mo ang lumpia wrapper. Kumuha ka ng isang kutsara at ilagay mo ito pagkatapos i-roll mo ito at isarado.

Iyong wrapper na hindi basta kaagad susuko tulad ng mabilisan mong pagsuko na ipaglaban ako. Oo, paikot-ikutin mo nang sa ganoon magkaroon ng porma ang lumpia mo. Iyong bang tulad ng pagpapa-ikot mo sa akin sa mga palad mo!

Magpakulo ng mantika, siguraduhin mong kumukulo talaga para pag ikaw na ang mahulog hindi na kailangan sagipin pa. Hahayaan kitang mamula hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko at magsabing  kainin ka na lang namin. 


--WWG APPROVED--


The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now