Simple Turon

297 7 0
                                    


By: Patrick Joshua Rodriguez Casag

Paano ba gumawa ng simpleng turon?

Simple lang naman, siguraduhin mo lang na tiwala kang magagawa mo ito dahil ito ang pinakaimporting sangkap para mabuo mo ang pinapangarap mong happy ending. Happy ending na hindi mo alam kung kailan mo mahahanap.

Mga Sangkap:

Hinog na saging na saba

Turon wrapper


Paraan ng Pagluluto:

Una, bilhin mo lahat ng sangkap. Siguraduhin mong wala kang kaliligtaan dahil bka maging dahilan pa iyon para hindi perpekto ang lahat, na kahit anong dagdag mo ng sangkap, hindi pa rin sumasarap kasi may kulang... kulang ng pagmamahal mula sa kanya na pinapangarap mong makuha.

Then balatan mo ang mga saging at hiwain mo ng pahab,  gaya ng paghiwa mo sa puso kong walang kalaban laban. Hindi mo lang binalatan at hiniwa nang pahaba, dinurog mo pa nang pinung-pino

Sumunod ay balutan mo ng Turon wrapper ang mga saging tulad ng pilit kong pagbalot at pagtago ng tunay kong nararamdaman. Na kahit nasasaktan na ako ay pilit pa rin akong nakangiti para lang ipakitang hindi ako affected sa laht ng nangyayari.

And lastly... Cook it and serve with love. Ganyan namn lagi eh. Pagkatapos mong masaktan, kailangan mo nang tapusin ang lahat at kalimutan na lang para hindi na lalo pang lumalim ang sugat!!!!


--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon