Oreo Marshmallow Bars

452 11 0
                                    


by:Hazel Ang

INGREDIENTS:
Oreo
Marshmallow
Margarine

PROCEDURE:

Dikdikin ang oreo. Sobrang diin, 'tulad ng nararamdaman mong durog na durog.

Pagkatapos ay pagsamahin mo ang limang tasang marshmallow at mantikilya. Tutal gano'n karami ang ipinagpalit niya sa 'yo.

Ilagay mo ito sa oven. Painitin kasi mamaya manlalamig na siya sa 'yo.

Tapos ay ilagay mo sa isang lalagyanan. Haluin kung paano ka niya pinaikot-ikot. At iwanan mo saglit kasi baka nasasakal na kaya nagkakaganiyan.

Pagkatapos ay hiwain kung paano niya binali ang iyong damdamin. Ang bilis bang gawin? 'Sing bilis niyang iwan ka kahit na kakasabi pa lang niyang "mahal kita".

--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now