Spaghetti

604 9 0
                                    

By: Lovely Claire Olores Quillano


Una, ihanda mo muna ang mga sangkap. Oo ihanda mo ang sarili sa katotohanang hanggang stalk sa facebook at silay ka lang sa crush mo kasi may iba na itong mahal.

Mga Sangkap:
½ kutsarita bawang, dinikdik
1 piraso sibuyas, hiniwa
3 piraso hotdog, hiniwa
2 kutsara mantika
1 kutsarita pamintang durog
2 bote 950g na banana ketchup
1 lata maliit na tomato paste
½ tasa asukal
½ kilo spaghetti sticks
½ kutsarita asin pantimpla
½ kutsarita paminta pantimpla.

Pagkatapos mong ihanda ang lahat ng sangkap maghanda na upang magsimulang magluto.

Paraan sa Pagluto:
Una, pakuluin at palambutin ang spaghetti stick. Yan nga huwag kang masyadong magdepende sa crush mo kung napalambot nya puso mo, dahil sa kapogian nya kasi sa huli ikaw lang ang masasaktan.

Pagkatapos salain mo na ang spaghetti noodle kapag luto na ito isantabi muna. Tama isantabi mo muna yang nararamdaman mo. Isipin mo muna ang future mo. Huwag kang magmahal nang magmahal. Matuto ka namang mahalin ang sarili mo.

Igisa mo na ang bawang at sibuyas. Isama ang giniling na karne hanggang maluto. Idagdag ang hotdog, liver spread, tomato paste. Tutal single ka naman dagdagan mo pa crush mo. Ipagsabay sabay mo sila, pero wag ka naman umasa at mag assume na mamahalin ka din nila. Tandaan mo masakit ang umasa at maging tanga lalo na ang maging baliw.

Tapos ibuhos na ang spaghetti noodle at ihalo. Dahan dahan lang sa paghalo ng mga sangkap. 'Wag kang atat, i-enjoy mo lang. Para kang ewan kung magmamadali kang magka-love life. Maghintay ka sa tamang panahon at tamang oras dahil ibibigay din yan ni God. Tulad nga ng sinabi ko, kung tamang oras na, puwede mo nang ihain ang spaghetti. Dagdagan mo pa ng keso para mas masarap. Oo, masarap magmahal sa taong nakalaan talaga sa 'yo.

---WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now