Pritong Tinapa

325 8 0
                                    


By:Natasha Rose Maxine Roswell

MGA SANGKAP:

Tinapa

Mantika

PARAAN NG PAGLULUTO:

Una, paiinitin mo ang kawaling gagamitin mo gaya ng pagpapainit mo sa puso ko nang di ko pa alam na ginagamit mo lang pala ako.

Then, isunod mo ang mantikang ginamit mo sa huling pagpiprito gaya nang paggamit mo sakin upang gawing panakip butas sa wasak na wasak mong puso.

Pag mainit na ang mantikang pinaggamitan mo na tulad nang paggamit mo sakin, saka mo naman damputin ang tinapa at itapon nang basta-basta sa mainit na mantika gaya ng pagtapon mo sa puso ko dahil natatakot kang masaktan nang maramdaman mong unti-unti ka nang nahuhulog sakin.

Maghintay ka ng ilang minuto gaya nang ilang taong paghihintay ko sa 'yo na marealize mo na mahal mo rin ako, bago mo baligtarin ang tinapa.

Huwag mong paaabutan ng isang oras dahil baka masunog na, tulad ng puso ko na baka sumuko na sa 'yo.

Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay mo na para sa 'kin ay ilang taon, balikan mo at iahon sa kawali na tulad ng pagbalik mo sakin at pag-ahon sa puso kong nasaktan. Ngunit pagkatapos noon ay ginhawa dahil may ulam ka na!!!!


--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now