Chopsuey

437 6 0
                                    


by: Pamela Dulva Miranda


MGA SANGKAP:

Mga gulay

Baboy o hipon

Sibuyas

Bawang

Asin

Paminta

Tubig


PARAAN NG PAGLULUTO:

1. Una, ihanda mo lahat ng recipe. Sibuyas, bawang, mga sahog pati na rin ang mga gulay. Siguraduhin mong kumpleto na ang lahat ng sangkap para di mo masabing NAGKULANG s'ya sa 'yo kaya ka naghanap ng iba!

2. Pagkatapos mong masigurong kumpleto na ang mga sangkap, gayatin mo na ito nang maliliit. One at a time lang, hindi katulad ng ginawa mong pagsabay-sabay sa amin!

3. Painitin mo ang kawali. Kailangan MAINIT, hindi katulad mong COLD sa akin!

4. Kapag mainit na, lagyan mo ng mantika, saka mo ilagay ang sibuyas at bawang. Take note, ISA-ISA lang, Kahit alam kong TALENT mo ang magsabay sabay.

5. Pagkatapos, ilagay mo na ang mga sahog. Mapa-baboy, hipon o kahit ano man yan, tutal wala ka namang pinipili diba? LAHAT NAMAN GUSTO MO!

6. Pagkatapos, lagyan mo ng tubig. Yung tama lang, yung hindi kulang. Hindi katulad ng pagkukulang mo sa akin!

7. Ilagay mo na yung gulay, pagsabay-sabayin mo kung gusto mo, tutal FOR THE nth time, SANAY KA NAMANG MAGSABAY-SABAY DIBA?

8. Lagyan mo na ng pampalasa. Asin,betsin, paminta, toyo. Basta yung magkakalasa, hindi katulad mong MATABANG sa akin!

9. Hintayin mo hanggang sa maluto. Kahit na manloloko, babaero, hudas ka matuto kang maghintay para naman hindi ka magsawa agad.

10. Kapag luto na, tikman mo, kainin mo tutal ikaw naman nagluto nyan hindi ba? Ubusin mo, pagsawaan mo hanggang gusto mo! Leche MALASON ka sana.


--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon