Ginataang Hipon

254 7 1
                                    


By: HeartyClarkia Mhf


INGREDIENTS:

Hipon

Kalabasa

Sitaw

Gata

Sibuyas at bawang

Asin at paminta


PROCEDURE:

Step 1:

Pakuluan ang kalabasa at sitaw sa isang tasa ng tubig na hinaluan ng asin, paminta, sibuyas at bawang, hanggang sa maluto.

Tama hanggang sa maluto ! Matuto kang maghintay huwag madaliin ang mga bagay baka gwapo na maging bato. Ayan ! Kailangan mo nyan , kailangan mo ng bato para makapag-hilod ka naman. Ang kapal na ng libag mo. Ligo-ligo din pag may time teh!

Step 2:

Ibuhos ang gata at haluin.

Ibuhos mo lang nang ibuhos ang pagmamahal mo sa kanya kahit may mahal na syang iba. Astig 'yon, magmumukha kang tanga. May parada nga pala kayo, ikaw ang nasa unahan.

Step 3:

Idagdag ang hipon at pakuluan hanggang sa maluto.

Sige idagdag mo! Subukan mong idagdag ako sa mga koleksyon mo at baka masapak lang kita. Hah ! Kung pipili ka lang din naman, do'n na sa masasabi kong wala talaga akong laban. Kesa sa hipon na walang ibang ginawa kundi ang magpabebe at magpakita ng kanyang bumper! Duhh.

Step 4:

Ilagay sa malaking lalagyanan.

Dapat alam mo kung paano ilalagay ang sarili mo sa dapat mong kalagyan. Hindi mo kailangan ipagpilitan ang sarili mo dahil marami pang iba d'yan na pwedeng mahalin ang buo mong pagkatao. 'Yong makakasama mo hanggang sa pumuti na parehas ang buhok nyo. Na kahit kulubot na ang balat mo, hindi pa rin s'ya magsasawang yakapin ka. At higit sa lahat ang kayang ingatan ang puso mo. Hindi mo na kailangang humanap ng iba para maranasan mo 'yan. Kung gusto mo dadaan pa ako sa harap mo ng dahan-dahan para makita mo kung sino ang kayang magmahal sa 'yo ng pangmatagalan.

Oh ayan luto na. Huwag kalilimutan magdasal bago kumain.


--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now