Nilagang Itlog

206 6 0
                                    

By: Juana Opilio

MGA SANGKAP:

Itlog

Tubig


PARAAN NG PAGLULUTO:

Itlog. Mura lang, parang ikaw. Sa halagang six pesos lang, mabibili na. Sorry, ah? Nadulas ako. Masakit bang tanggapin na ang cheap mo?

Paano nga ulit umusad yung love story niyo? Ay! Oo nga pala. Parang paglalaga ng itlog.

Yung itlog na mabibili mo lang kahit saan. Sa tindahan, sa palengke, walang pinipiling lugar. Ganun ka naman diba? Easy to get.

Sino nga ulit yung gagong nakapulot sayo sa kanto? Naalala ko na. Kung sa paglalaga ng itlog ihahalintulad, siya yung apoy sa kalan. Alam mong nakakapaso pero nakipaglaro ka pang malandi ka.

Yung magmamahal mo naman sa kanya parang tubig sa kaldero.  Kalmado lang sa umpisa pero habang tumatagal lalong umiigting. Hanggang sa kumulo na ng tuluyan. Okay lang naman kung matindi ang pagmamahal mo sakanya. Wala akong magagawa.

Pero ikaw lang naman ang masasaktan sa huli. Nakalimutan mo ba? Ikaw yung itlog. Ikaw lang ang mapapaso sa pagmamahal mo. Diyan sa kumukulong tubig, hindi ka makakaahon.

Masakit ba? Pero nag-uumpisa pa lang ang paghihirap mo. Paano ba naman kasi, hindi siya marunong makuntento. Magdadagdag pa siya ng ilalagang itlog.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Teka, ilan nga ulit kayo?

Ilan ba kayong pinagsabay-sabay niyang pinaglaruan? Ilan ba kayong nagpaloko sa walang hiyang lalaking yan?

Ano ba yung mas masakit? Yung mapaso at masaktan sa relasyon kung saan ikaw lang ang nagmamahal? O yung malaman mong hindi lang ikaw ang kinakalantari niya?

Alam mo naman na madami kayo sa koleksyon niya, pero ipinagsawalang bahala mo lang. Hindi ka umalis at tiniis ang nakakapasong katotohanan na niloko ka niya!

Ngayon, matigas na ang kalooban mo.    Binabati kita!  Pwede ka nang umahon.

Akala mo tapos na ang paghihirap mo? Hindi pa. Ang apoy ay napalitan ng pampalo.

Sinaktan ka niya ulit. Yung mas masakit. Parang nilagang itlog na kakatapos lang lutuin, paulit-ulit siyang hinampas ang damdamin mo. Hanggang dumating sa puntong biniyak niya na yung puso mo.

Nagpaloko ka na naman. Hindi ka na natuto!  Akala mo kasi nagbago na siya. Akala mo na-realize niya na hindi niya makakayang mawala ka.

Ang dami mong pinagdaanan. Ang dami mong tiniis.  Sa maikling panahong nakasama mo siya, hindi mo namalayan nasira ka na niya.  Tsaka mo lang naalala.

"Oo nga pala. Mabilis lang maglaga ng itlog."

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now