Sago at Gulaman

515 11 0
                                    

by: Charwin Winfour Bustamante Alferez


Mga sangkap:

• 1 tasang asukal lang. Pero kung ako ang masusunod, isang sakong asukal ang ilalagay ko, ganon katamis ang pagmamahal ko sa 'yo.

• 2 tasang tubig. Pero kapag nagkulang pa ay 'di ako magdadalawang isip na dagdagan pa ng isang drum. Gusto kasi kitang malunod, malunod sa pagmamahal ko.

• 1 bara ng gulaman, binabad sa tubig at pinatulo. Oo kailangan talagang pinatulo na, pero hindi ko hahayaang patuluin ang luha mo. Ganon kita kamahal.

• 2 tasang sago, niluto. Dalawang tasa talaga? Dalawa? E nag-iisa lang siya e? Nag-iisa lang siya dito sa puso ko. Pa'no 'yan?

Mga Paraan: 

1. Sa isang kaserola, tunawin ang asukal sa tubig hanggang makagawa ng arnibal. Hindi ka nagkamali nang binasa, tunawin talaga. Pero kahit na anong mangyariーasukal lang ang dapat matunaw at hindi ang pag-ibig ko sa 'yo.

2. Ilagay ang gulaman at haluing maigi. Dahil kung basta basta lang ay baka mawala kang bigla sa 'kin. Kaya hahaluin ko ang lahat ng sangkap sa pagmamahalan natin para manatiling matatag.

3. Salain at ilagay sa isang baking pan, palamigin at hiwain ng pakuwadrado. Tama, dapat salain ng maigi upang maging maganda pa rin ang timpla, oo timpla ng nararamdaman ko para sa 'yo.

4. Para sa sago, gayahin ang paggawa ng gulaman. Para sa sago? Sa sago talaga? P'wede namang para sa 'yo 'di ba? Para sa 'yo 'tong bawat pagtibok ng puso ko. Sa 'yo lang ang puso ko.

5. Paghaluin ang sago at gulaman. Katulad ng paghahalo-halo ng kilig at saya sa tuwing makakausap kita.

6. Ihanda ang kinudkod na yelo. Pagkatapos, ihanda mo na rin ang sarili mo dahil handa na
rin akong mahalin ka habang buhay.

7. Mas masarap ang gulaman at sago kung lalagyan ng gatas na evaporada. Pero mas masarap din ang pagmamahalan kung ako at ikaw lang ang magkasama.

--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now