Chapter 2

470 12 3
                                    

Chapter 2

*Malling with friends

Blythe's POV

"Saan tayo ngayon?" - Jonna kaklase kong maganda,sexy at mahaba ang buhok. Nga pala, matalino din yan. Naks, girlfriend material.

"Kain muna tayo." sabi naman ni Niccs, barkada naming maganda, matalino, mabait, mayaman, maliit nga lang. Ayos lang, bawing-bawi yan sa mukha. Wag ka!

"Sa McDo or KFC? Hmmm. San kaya?" Lovely, the name says it all. Si Lovely ang pinaka maganda at maappeal sa aming lahat. Maganda, Matangkad, Sexy, Mabait? Joke. Pero medyo siya yung tatanga-tanga minsan.

" Sa foodcourt na lang tayo para madaming choices." Suggestion ko. Ako si Blythe ang pinaka "The best" sa barkada. Maganda, matalino, mabait,mayaman, matangkad, sexy. Sabi ko inyo eh.

Nasa akin na ang lahat ♪♪♪ 

Asa naman kayo! Words of sarcasm yon.

Ako ang pinaka hindi maganda sa kanilang lahat kasi cute daw ako. Ang pinaka poorita. Pero yung matangkad, matalino at mabait? Pinagpala pa rin ako ni God kasi meron ako ng mga yon. He is fair all the time.

"Blythe naman eh! Mas mahihirapan pala tayo doon ang daming pilian noh, tapos wala pang maupuan." sabi sa akin ni Lovely na parang naaasar nanaman.

Hindi na lang ako kumibo. Sanay naman ang barkada na ganyan siya eh. Moody, Temperamental. 

May sarili akong problema. Bahala sila diyan. Naglalakad lang kami ni Niccs sa hulian nila. Sabay kaming naglalakad sa alapaap. Parehong lumilipad ang mga utak namin at naglalakad kami na wari'y mga takas sa mental.

"Oy! Bakit ang bagal niyong maglakad dalawa? puna sa amin ni Jonna. 

"Para kayog mga baliw diyan. Kung titignan ko kayo at di ko kayo kakilala, aakalain ko talaga na mga takas kayo sa mental." dagdag niya.

"Bakit ka malungkot?" tanong ko kay Niccs.

"Nag-away kaming dalawa." walang gana niyang sagot.

"Ganun?! Pag-usapan niyo na lang. Lahat ng bagay nadadala sa maayos na usapan. Ano ba ang pinagawayan niyo?" tanong ko ulit.

"Hindi kasi siya nagparamdam ng 2 days tapos nagtampo ako. Kinausap ko siya. Nagalit eh, minsan daw intindihin ko na marami siyang ginagawa, ganito ganyan. Eh ako din naman eh. Busy din ako! Nakakainis siya Blythe. Sobrang nakakainis siya!" and there, she burst into tears.

I hugged her for sympathy.

"Okay lang ako, ano ka ba! Ikaw kasi eh! Pinagkwento mo pa ako. Nag drama tuloy ako. *laughs* Eh ikaw, bakit ka malungkot?

Ako? Bakit nga ba? 

"Hindi ko alam Niccs eh.."

"Bilisan niyo na maglakad girls, wala na tayong mauupuan nito." sabi ni Lorraine pagkarating namin sa food court. Lima kami sa barkada. Ako, Si Niccs, Si Jonna, Si Lovely at ang maganda,matalino, mabait pero payatot na si Lorraine.

Ang daming tao sa food court. maingay at magulo man dito pero parang ang saya naman ng atmosphere. Ako lang ata ang malungkot dito eh. Bakit? Kasi may kulang sa buhay ko.

"Ouch! Mag-ingat ka kasi sa dinadaanan mo!" sabi ng isang girl na may kasamang guy kay Niccs. Boyfriend niya ata. Sweet potatoes sila eh >___<

"Sorry." cold na sabi ni Niccs. Ang babaeng ito, halatang problemado.

Kahit saan ako lumingon, may sweet couple akong nakikita tapos kanina pa dumaan kami sa Blue Magic, Na bitter ako lalo. Ang daming magagandang teddy bears at  yung isa dun may nakasulat na I Love you. Ewan ko ba, hindi naman ako ganito lagi pero may mga pagkakataon na naiinggit ako ng sobra sa mga may lablayp. 

I literally fell Donde viven las historias. Descúbrelo ahora