Chapter 25

123 1 0
                                    

Isha: Psst! Play niyo yung mga ire-request na song ha? Click niyo yung vid sa gilid or youtube or Music player na lang, kung wala nang choice, tawagin niyo ako, kakantahin ko para sa inyo! Chos! Game na, Huhuhu.

Chapter 25

*explosions

Third Person's POV

Huling araw na ng taon ngayon at kagaya ng nakasanayan pumunta ang pamilya nila Blythe sa bahay nila Drake para doon salubungin ang bagong taon.

Ayaw talagang sumama ni Blythe pero nagalit ang mama niya kaya wala rin siyang nagawa

"Ma, sumakit po yung tiyan ko. Uwi na lang ako sa bahay ha?"

"Tumigil ka nga! Bakit ba kasi ayaw mong sumama dito ha?"

Hindi na nakakibo si Blythe. Hindi pa rin alam ng mama niya ang problema nila ni drake.

Alas dyis imedya na ng gabi at malapit na talaga ang new year's countdown. Maingay na rin ang paligid dahil sa mga ilan-ilang paputok na maririnig sa paligid.

Nag-doorbell sila at makalipas ang ilang sandali ay sinalubong sila ni Aling Rosa, isa sa madaming kasambahay nila drake.

"Good evening ma'am."

"Good evening rin po Aling Rosa!" masayang bati ni blythe sa kanya.

"Blythe, kamusta ka na? Bakit hindi ka na pumupunta dito? Ang tagal na nating hindi nagkikita ah."

"Oo nga po eh. Namiss ko kayo."

Napalapit na kasi ang loob nito sa kanya.

"Pasok na po muna kami ha? Next time na lang po tayo magkwentuhan."

Naabutan nila sa Living Room ang mag-inang drake at claudine. Mapaglaro talaga ang tadhana sa kanila dahil kahit ang luwag luwag at ang daming pwedeng maupuan, sa tabi pa talaga ni Blythe umupo si drake.

Hindi na makagalaw si blythe dahil sa presensya niya, Nahihiya at naiilang na siya rito, para bang wala silang pinagsamahan. Pakiramdam niya ay ibang tao na talaga ang katabi niya.

"Pangs." tumibok ng pagkalakas-lakas ang puso ni blythe dahil sa boses na yon. Ilang buwan na niyang hindi naririnig mula sa kaibigan ang tawagan nila. Natawa siya ng mahina. "naalala mo pa pala ang tawagan na 'yan?"

Tumingin sa mga mata niya si drake, "hindi ko naman makakalimutan 'yon."

"akala ko kasi eh. haha. nevermind!"

"sorry kung hindi kita napuntahan nung nakaraang araw ha? magkasama kami ni Amber eh."

Hindi alam ni blythe kung anong pwersa ang humila sa kanya patayo, ang alam niya lang kailangan niyang iwan muna si drake. hindi niya alam kung san siya dadalhin ng mga paa niya. Wala ring tigil ang pagpatak ng luha mula sa mapupungay niyang mata.

'Ang sakit. Pinagpalit na naman niya ako sa lakad nila ng babaeng 'yon. Sino nga ba ako? Bestfriend lang.'

Malawak ang bahay nila drake, yung tipo ng bahay na pwede kang maligaw kung hindi mo kabisado, mabuti na lang alam niya ang pasikot-sikot dito.

"Nakakainis! Ilang buwan kaming hindi naguusap tapos nung ako na nga ang unang nag-approach, mas inuna niya pa yung amber na 'yon! Lagi na lang drake, sinungaling ka. Sabi mo hindi mo ako kinalimutan.' yan ang naglalaro sa isip niya habang umiiyak sa taas ng puno. Napadpad kasi siya sa backyard nila, maraming puno at halaman 'don.

"Hoy! Anong ginagawa mo diyan?"

"Aaaaaah!!!" dahil sa sobrang gulat ay nahulog si Blythe mula sa malaking sanga ng puno na kinauupuan siya.

I literally fell Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon