Chapter 9

255 7 3
                                    

Chapter 9

*back to school

Blythe's POV

Nandito na ako ngayon sa school.

3 days ako mula noong mag-enroll kami ni Drake at mag-shift siya.

Walanghiya talaga.

Tinanggal na rin naman yung semento sa paa ko kaya hindi na awkward maglakad dito.

Nakakahiya kapag may ganun, parang lumpo lang eh.

"Hoy!!! Babaee!!!" sigaw ng tatlong baliw na babae sa likod ko.

Tapos pagharap ko ay pinatay nila ako.

Grabe naman makayakap tong mga to eh.

Ayaw na ba nila akong mabuhay? -_-

"How many times did we texted you?" - Lorraine

"You didn't reply even once." -Lovely

"How dare you!  Hindi mo ba alam na nagalala kami? Akala ko nga patay ka na." - Niccs

"O.A mo Niccs. Anong patay? Na-fractured lang ako."

"Eh kasi naman eh. Nakakaasar. Hindi nagrereply at hindi rin sinasagot ang calls." - Niccs

"Okaaaaay! Kalma. Sorry. Sorry kung hindi ko kay nasagot lahat. Wala kasi akong load."

"What? Bakit hindi ka nag-Smart Alert para napasahan kita?" -Lovely

"Hindi lang yun, hindi ko nabubuksan yung Cp ko kasi busy kami ni Drake."

"Busy in what?" Gulat na tanong ni Lorraine.

"Haaaaay Baliw. Utak mo.. Tinuturuan niya kasi ako mag-gitara at bastaaa busy kami."

"Sabi na nga ba eh, may lihim na pagtingin sayo si Drakelalu." -Niccs.

"Ano ka ba! Kaibigan lang kami nun. Kapatid lang turing sa akin nun." 

Ang sakit kaya. Haha. Kaya ayokong tuluyang mahulog sa kanya. I'm sure masasaktan na naman ako, BIG TIME. Tama na muna yung crush ko siya.

Dumiretso naman kami sa room tapos nakita ko halos lahat ng mga batchmate at blockmates ko last semester including Kris and JC.

Ewan ko pero nung nakita ko sila, hindi na ako nasaktan.

Immune na ba ako? Haha.

"Go to your proper seats everyone. " 

Dumating na yung Prof. Nagsibalik naman kami agad sa mga upuan namin.

Parang mga High School lang eh noh.

"Welcome back guys, I think hindi niyo naman na kailangan magpakilala sa isa't isa diba? Hindi naman kayo nadagdagan, nabawasan pa nga ng tatlo."

Marami namang nagmurmur sa likod ko. 

"Si Mr. Gonzaga, nagshift sa EE, si Ms.Diaz at Ms. Chua nag-transfer."

Nagmurmur ulit sila.

"Bakit?"

"Sayang naman si Drake, crush ko pa naman yun."

Lumingon ako agad tapos nakita ko si Patricia pala nagsabi noon.

Aba, may lihim pala tong pagtingin sa Bespren ko.

Nagkatinginan kami tapos nginitian ko na lang siya.

Hmp. Crush na nga lang meron ako, may kaagaw pa.

I literally fell Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon