Chapter 11

214 6 3
                                    

Chapter 11

*Broken

Blythe's POV

Hala! Lagot talaga ako.

Sobrang worried yun kanina.

Pangs, Sorry.

"Ate!" biglang sumulpot sa tabi ko si Chester.

"Ano?"

"Kain na daw. Baba ka na dun."

Sabay na kaming bumaba. 

Inutusan akong bumili ni mama ng Coke. Kinuha ko yung pambili tapos lumabas na.

Sa 7-11 lang naman yung pinakamalapit na bilihan dito.

Ewan ko ba dito sa Village namin, walang sari-sari store, ang mahal pa naman ng mga bilihin sa Convenience Store.

Dadaanan ko yung bahay nila Drake at nung malapit na ako, natanaw ko siya.

Nasa labas siya ng gate nila at hawak ang cellphone niya.

Nakaupo siya sa may Bermuda Grass sa labas ng bahay nila.

May garden naman sila, anong trip niya? Bakit dito siya tumatambay?

Palapit na ako ng palapit.

"Pangs." mahinahong sabi ko.

Tumayo siya bigla tapos niyakap ako.

Ang higpit-higpit ng yakap niya.

Ayaw niya na ata akong pakawalan.

"Uy Sorry, Napag-alala kita. Hindi ko pa nasagot mga tawag mo."

"Ssssh. Wala na yun. Okay na ako. The important thing is, nandito ka na."

Awwww <3

Hindi ko alam kung bakit pa ako naghahanap ng boyfriend role.

Mas higit pa nga sa boyfriend kung alagaan ako nitong bestfriend ko.

Bumitaw na siya sa yakap.

"Saan ka pupunta? Gabi na ah. Bakit ka lumalabas mag-isa?"

"Inutusan ako ni mama bumili ng Coke sa 7-11."

"Loko talaga yun si Tita, pinapalabas ka kahit gabi na."

"Ano ka ba? Kaya ko naman."

"Pero hindi ko hahayaang kayanin mo kung nandito naman ako. Sasamahan kita."

"Sige ba, sabi mo eh."

Sinamahan ako ni Pangs. 

Nagpaalam siya dun sa guard nila.

Gusto pa nga kami ihatid ni Kuya Gino pero ayaw namin.

Ang lapit lang kaya. Sayang yung energy.

At isa pa, quality time namin to.

Hindi kaya kami magkasama maghapon.

"Pangs? San ka ba nagpunta?" tanong niya habang naglalakad kami.

"Doon lang rin sa school."

"Eh? Bakit hindi kita nakita."

"Basta. Haha. Dami mong tanong."

Nakarating na kami sa 7-11.

Bumili lang kami ng Coke tapos umalis na.

Naglakad lang ulit kami. 

Hawak niya yung coke sa kabilang kamay niya tapos sa kabila naman yung kamay ko.

"Pangs. Ang tigas ng kamay mo. Tumutulong ka ba sa gawaing bahay?"

I literally fell Where stories live. Discover now