Chapter 32

82 1 1
                                    

Chapter 32

*Epic Sundate

Blythe's POV

"Panget daw. Nakanganga ka na nga kanina e. Ngayon mo lang na-appreciate?"

*BURPS

"Ano yun? Hala! Nagloloko ata yung makina nito a? Ang lakas, narinig mo ba blyf?" Hindi ako kumikibo. Patuloy pa rin siya sa paghahanap nung mali daw sa kotse. "Saan kaya yun? Hindi ko pa kasi 'to napapacheck sa shop e. Tsk. Magcommute na lang kaya tayo, nakakatakot yung tunog e." Seryoso talaga siya? Akala niya yung makina ng kotse yun? Dighay ko yun e. Tss.

Lalabas na sana siya ng kotse pero nagsalita ako. "Walang sira 'tong kotse mo. Dighay ko lang yun." Tumingin siya sakin. "Wag ka nang man-trip baby, mapapahamak tayo pag ginamit pa natin yan. Pumapalpak nga ata yung makina." Nakakainis na. Ganun ba talaga kalakas dighay ko? Oo malakas talaga. Beyond your expectations pero, mas malakas pa talaga sa makina ng isang kotse?

"Drake, I'm not power-tripping. That was me. I'm sorry, I burp like a fat guy." Nakakahiya talaga. Ang dami ko nang ginawang nakakahiya sa araw na 'to. Waaaah! Blythe, why so palpak?

*BURPS

Dumighay ulit ako but this time mas mahina...ng konti. Oo na, malakas pa rin. I looked at him. Nagpipigil siya ng tawa. Hinampas ko siya sa braso. "Paandarin mo na!" Nakakainis. Naiiyak na ko, tinawanan pa ko. Nakakahiya kaya! Ikaw? What would you feel kung dumighay ka ng pagkalakas lakas sa harap ng boyfriend mo to the point na akalain niyang makina yun ng sirang kotse? Just imagine -.-

Sinimulan niya na ang pagmamaneho. "Sorry baby. Did I offend you? I swear. Hindi ko talaga alam na it was you burping and not my engine." Nakayuko pa rin ako. Gusyo kong kainin na ko ng lupa. Nakakahiya kasi. "Sorry rin. Feeling ko tuloy wala kong etiquette na babae."

(Hey! Please play:God gave me you. At the side.)

"Blythe naman e, napapansin ko nagiiba ka. Ngayong boyfriend mo na ko, feeling ko hindi mo magawang magpakatotoo sa sarili mo sa harap ko. May problema ba?" Sapul ako sa sinabi niya. Eksakto. "Natatakot kasi akong maturn-off ka tsaka iba na kasi ngayon. Ano...eh...Ano....Boyfriend na kita!"

He stopped the car. Hindi ko alam kung nasaan na kami. Nakayuko pa rin ako. He lifted my head. "Ms. Yessa Blythe Aquino, Just be yourself. Minahal kita dahil ikaw si Blythe at kahit ano pang nakakatawa, nakakadiri or even if I discover the worst thing from you, mamahalin pa rin kita kasi ikaw lang ang Blythe ko. So ano? Nandito na tayo sa tapat ng simbahan." Tumingin ako sa paligid. Nandito na pala kami. Hindi ko namalayan, malapit lang rin kasi. Binuksan niya yung pinto para sa'kin. "Tara na? Papakasalan na kita." Inabot ko yung kamay niya at nung nakatayo na ko ay agad ko siyang binatukan. "Baliw!"

Magkahawak kamay kaming pumasok sa simbahan.

Wala nang tao. Tsk. Tapos na yung mass.

"Hala! Hindi na tayo nakaabot." nalungkot talaga ako.

"Ikaw kasi e, ang bagal mo kumain!"

"Binilisan ko naman a. Muntik na nga kong mamatay sa choking kanina dahil sa kamamadali e."

"Joke lang. Walang may kasalanan."

"Sayang talaga! Hay."

"Wala na e. Wala na tayong magagawa." napabuntong hininga na lang ako.

"Saan ba dito yung office? Ipapa-schedule ko na lang yung kasal natin." I glared at him. Ano bang pinagsasabi nito. "Drake, puro ka kalokohan." Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. "Bakit baby? Gusto mo bang totohanin ko?"

I literally fell Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon