Chapter 27

93 1 0
                                    

Chapter 27

*his side

Drake's POV

Marami siguro ang nagtatanong kung ano ba talaga ang meron. Kung bakit kami ni Amber? Bakit ko iniiwasan ang babaeng pinakamamahal ko? At kung anu-ano pang mga tanong na lahat ako ang sinisisi sa mga nangyayari.  Isa lang ang masasabi ko, hindi ko ginusto ang lahat ng ito.

Hindi talaga kami ni Amber. Napilitan lang kaming magpanggap na couple para sa kapakanan niya. Anak si Amber sa pagkadalaga ng mama niya at dahil isang malaking kahihiyan, itinago siya ng mama niya sa mga kamag-anak, kaibigan at kahit na sinong kakilala ng mama niya. Yun din ang dahilan kaya nag-migrate sila sa ibang bansa at ngayon gusto siyang ipakasal ng mama niya kay Clifford, hindi niya pa daw nakikilala pero isa lang ang alam niya, ayaw niya talagang magpakasal  dun kahit sino pa man yun.

"I swear, magpapakamatay talaga ako pag pinakasal nila ako sa Clifford Rosales na 'yan. Mark my word!" 'yan yung binitawang salita ni Amber habang umiiyak at galit na galit matapos sabihin sa kanya ng mama niya ang tungkol dun.

Alam kong seryoso siya kaya nag-offer ako ng isang option at yun ay yung kailangan naming magpanggap na 'kami' sa harap ng lahat para mapapaniwala ang mama niya na 'kami' talaga at may mahal na siya, pumayag naman si Amber kahit na hindi talaga namin alam kung papayag ba yung mama niya.

Napalapit na sa'kin ng husto ang batang 'yon. Noong una pa lang, ang gaan na ng loob ko sa kanya kaya nung nalaman ko na gusto siyang ipakasal sa taong hindi naman niya gusto at alam ko namang may maitutulong ako, ginawa ko.

That was Christmas eve when Amber called crying. She told me she needs me, badly. I was so worried kasi grabe yung iyak niya sa phone kaya nagpaalam ako kay mama na pupuntahan ko lang siya. Pinauna ko si mama kila pangs tapos sinabi kong hahabol na lang ako but it turned out na kailangan pala talaga ako ni Amber.

Pagdating ko sa bahay nila, naabutan ko siyang mag-isa at umiiyak. Doon daw magce-celebrate ang mama niya ng pasko sa bahay ng grandparents niya, kasama rin yung mga tito at tita niya na kahit kailan hindi pa siya nakikita.

"Hindi kasi pinaalam ni mama sa kanila na nagka-anak siya. Malaking kahihiyan daw kasi yun sa pamilya namin or should I say nila. I was never a piece of that whole. They never knew about me and I think wala na ring balak si mama na ipaalam sa kahit na sino ang tungkol sa'kin. I was just a junk. I feel worthless, kuya. I feel unloved. It feels so bad na yung sarili mong ina, ikinahihiya ka and now what? She wants me to marry a guy I don't even know for the sake of money? Mas mahalaga pa ba yung pera at negosyo niya kaysa sa'kin na sarili niyang anak? I have no choice, I need to marry that guy. I don't have a father kaya consent lang ni mom ang kailangan at pwede na kaming ikasal ni Cliff, walang ibang may karapatan sa'kin kahit sarili ko, si mama lang. My mom who doesn't even care about me!"

Sobrang nadurog yung puso ko nung tawagin niya kong kuya, pakiramdam ko nagsusumbong sa akin ang isang nakababatang kapatid. I never knew na ang isang masayahin, kikay at maarteng babae na katulad niya ay may napakabigat palang pinagdadaanan.

Sinamahan ko siya nung gabing 'yon, pinilit kong pasayahin ang pasko niya at kahit papaano ilang beses ko rin siyang nakitang nakangiti. Nung gabing 'yon, pinangako ko kay Amber na gagawin ko ang lahat para hindi siya ipakasal ng mama niya sa Cliff na 'yon kahit na sa totoo lang, wala pa akong naiisip na paraan.

December 29 ako tinext ni Blythe at sinabihang magkita kami sa Capitol pero nung mga oras na 'yon nasa sasakyan na ako papunta kila Amber, tumawag kasi siya, nandun daw ang mama niya sa bahay at ngayon na daw sila ipapakasal ni Cliff. Nagmadali ako, hindi pwede. Ayokong mawalan ng kaibigan, isang taong napalapit na ng husto sa puso ko. Kapatid na ang turing ko kay Amber kaya mahalaga na sa'kin ang happiness niya.

"No! You're gonna marry Cliff whether you like it or not Amber."

"Excuse me po, hindi niyo naman po pwedeng ipakasal si Ambs sa kung sinong lalaki lang."

"Drake?!" nagulat si Amber sa bigla kong pagsulpot sa pintuan nila.

"Who are you? At anong karapatan mong pagsabihan ako tungkol sa anak ko ha?!"

"Ako po si Drake and I'm Amber's boyfriend."

Face palm. 'yan na lang ang nagawa ko nang matapos kong alalahanin ang ginawa kong 'yon. Patuloy kong inaalala ang mga pangyayari pero nabaling ang atensyon ko sa isang taong sumigaw ng pagkalakas-lakas.

"DRAKE! ANG KAPAL NG MUKHA MO PARE!"

"Jeric? Anong ginagawa mo dito?" daig ko pa ang nakakita ng multo. Nandito kasi ako sa kalsada malapit sa isang convenience store at alam kong malayo ang bahay ni kupal dito. Pano siya nakarating dito?

"You are so stupid!"

~boogsh

Pinunasan ko yung dugo sa gilid ng labi ko dahil sa malakas na pagkakasuntok niya.

"Ano bang problema mo?" tumayo ako mula sa pagkakatumba.

"Ang tanga tanga mo Drake. Bakit mo sinasaktan si Yessa ng ganun?"

"A-ano? H-hindi kita maintindihan."

"I never knew you could be this numb. Mahal na mahal ka ng bestfriend mo drake at nasasaktan.siya sa tuwing nakikita kayo ni amber. Wala atang araw na hindi siya umiiyak.....dahil sa'yo."

Hindi ako makapaniwala.

Ayoko. Ayokong isipin na totoo ang mga bagay na 'to. Sana nagsisinungaling siya, sana panaginip na lang 'to.

"Sira ulo! Wag mo nga akong pagtripan, ikaw ang gusto nun matagal na. Tss. Lokohin mong lelang mo!"

"Psh! Sana nga, sana totoo na ako na lang ang gusto niya. Sana ako pa rin, sana ako na lang."

"Ano ba JC! Wala na kong maintindihan."

"Sinabi na sa'kin ni Blythe na ako yung gusto niya.......dati." natawa siya ng mahina. "Nakakainis, bakit kaya ang tatanga nating lahat? Dati gusto ako ni Blythe, hindi ko siya napapansin but now that I already fell inlove with her, she just realized how much she loves you."

"Ha-ha. I love her more than she does. Mahal ko na yun Grade 5 pa lang kami."

"Seriously? Then why don't you tell her?"

"Akala ko hindi niya ko mahal."

"Maraming namamatay sa puro akala lang. Bakit hindi mo sinubukang mag-confess? Are you that coward? Umamin ka nga,  bakla ka ba?"

"Tigilan mo ang pambwiwisit sakin, hindi mo naiintindihan ang mga pangyayari. You don't know anything."

"Bro, if you won't stop hurting her, I won't hesitate to get her from you."

"Do whatever you want!"

"Akala ko ba mahal mo siya? Bakit ganyan yang sagot mo? Wala ka man lang bang balak na lumaban? Ayaw mo bang ipaglaban si Blythe?"

"Alam mo, madali lang kasi sa'yong sabihin yan, hindi mo kasi talaga alam kung ano yung nangyayari, kung ano yung dahilan ko. Jeric, wala kang alam. Hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdadaanan ko. Sa tingin mo ba, ngayon na alam ko na nasasaktan ko siya, natutuwa ako? Do you think I'm happy? Kung ako ang papipiliin, ayaw na ayaw kong nasasaktan siya. Bata pa lang ako pinangako ko na sa sarili ko na aalagaan ko siya. Don't judge. Wag kang magsalita na parang alam mo lahat kasi hindi!"

My phone rang and I answered it just seconds after.

"Hello ma........Lasing ka na naman?..........Mama naman, gabi-gabi ka na lang pong ganyan. When will you stop?................................Alam ko pong nahihirapan ka, kahit ako ganun rin pero hindi naman po yan ang solusyon sa problema natin. Tumigil ka na mom, please.....................................................Monique Sanchez? Sino po yun?............................................ Wait lang mom, what's that? Nagbabasag ka po ba? Wait for me, uuwi na po ako. I'm on my way................................................Mom, stop it. Calm down. Andiyan na po ako in a few minutes. Bye." Ibinaba ko na yung phone. Nagbabasag na ata si mama ng mga gamit sa bahay, galit na galit siya kay papa at hinahanap niya yung Monique Sanchez

Tumingin ako kay Jeric.

"See? Ang dami kong problema. May family problem kami at hindi lang 'to basta simpleng bagay. Malaking problema 'to pare, kaya pwede ba? Wag mo kong masyadong sisihin dahil hindi mo alam kung anong hirap yung pinagdadaanan ko ngayon.

I literally fell Where stories live. Discover now