Chapter 17

176 5 4
                                    

Chapter 17

*all alone without you.

Blythe's POV

Two weeks. Two weeks na kaming hindi nagpapansinan ni Drake.

Hindi ko talaga alam kung bakit niya ko iniiwasan. May nagawa ba kong masama? :(

Lagi niyang kasama yung mgandang girl from the Architecture department. Amber daw yung pangalan.

Hindi na rin kami nagkakausap ni Jayze, lagi siyang may kasamang babae, nililigawan niya ata, ewan ko kung bakit pero hindi na ko nasaktan eh.

Laging sila Niccs yung kasama ko pero may mga times na hindi nila akong pwedeng samahan kasi kasama nila yung mga boyfriend nila

Si Jonna may Luke.

Si Niccs may Kristoffer.

Tapos si Lorraine may Paulo.

Niligawan siya ni Paulo at ayun dahil mahal niya na daw, eto sila na.

Ang bilis nga eh, samantalang yung nanligaw sa kanya ng 8 months, wala lang. Tsk!

Tulad ngayon, lahat sila may mga date. Si Lovely naman may lakad kaya heto ako basang basa sa ulan.

Chos!

Heto ako, all alone sa School Garden.

Wala ng tao dito malapit na kasi mag 6.

Miss na miss na miss na miss ko na talaga si Drake. Pangs, bumalik ka na sakin :'(

Gumwapo ka lang, hindi mo na ako pinansin. Ano bang nagawa kong masama?*sigh

Ang tanga ko kasi hindi ko siya masyadong nabigyan ng pansin nung mga huling araw na nagkita kami.

Yung gabing yun, yun na pala ang huling gabing kasama ko siya bilang Pangs ko.

Ang saya namin nun. Ang sweet. Walang problema pero yun na pala yun. Yung gabing umiyak siya.

Nakakaiyak pa kasi yung huli niyang sinabi sakin ay...

"Good night my princess."

Yung mga ngiti niya nun, ang peke eh. Sinabi niya sakin nung gabing yun na may gusto siyang babae. Hindi kaya si Amber yun?

Kumakalat pati sa campus na sila na. Kaya ba siya nag shift para mas mapalapit sa kanya?

Drake, sorry kung puro ako JC nung mga panahong yun. Sorry, akala ko kasi hindi mo ako iiwan. Akala ko forever kang nandiyan.

Masakit kasi kung kailan wala ka na sa tabi ko saka ko pa narealize yung halaga mo at ang pinamasakit pa nitong nakaraang dalawang linggo na wala ka, narealize kong mahal na mahal pala kita ...

higit pa sa isang bestfriend.

Oo, mahal kita.

Akala ko crush lang kasi masyadong nangibabaw yung infatuation ko kay JC.

Nabalewala ko tuloy yung nararamdaman ko, masyado akong naging confident na hindi mo ako iiwan eh.

Tanga. Ang tanga tanga ko.

Nasa akin na, pinakawalan ko pa.

Nasasaktan ako? Oo!

Nagseselos ako kay Amber kasi ganyan tayo noon eh.

Hindi ka na pumupunta sa bahay, namimiss ka na ni Chester, miss na niya ang kuya niya.

Hindi ko namalayan, kanina pa pala tumutulo yung mga luha ko.

I literally fell Where stories live. Discover now