Chapter 28

104 2 0
                                    

Chapter 28
*valentine

Blythe's POV

Fast forward na siguro. Ano bang gusto niyong ikwento ko? na araw araw akong nasasaktan at nahihirapan, na walang gabing hindi basa ang unan ko. Tss. Wag na, nakakasawa na nga tong kwento na 'to eh.

Normal na araw lang naman pero hindi ko mawari kung bakit ang daming pulang bulaklak, mga binebentang kung ano ano na hugis puso at chocolates ang nakabalandra sa kung saan-saan. Halos lahat ng babae abot tenga ang ngiti dahil sa mga natanggap nila. Ano nga ba talaga ang meron?

"Hi Louise, Happy valentines day."

Eh? Valentines day nga pala nila ngayon. Oo, para sa kanila lang ang araw na 'to. Sorry naman, sa dami ng iniisip ko maaalala ko pa ba yung mga walang kwentang celebration?

Tumuloy lang ako sa paglalakad. Tapos na ang klase ko. Gabi na rin, nagbago kasi yung schedule 2pm-6pm na yung pasok ko.

Palabas na sana ko ng CBA Bldg. nang biglang may mag-abot sa akin ng papel at three roses.

Dito ka laging nagbabasa ng mga libro. You love reading books so much. Pumunta ka. Alam mo na kung saan 'to.

Masyado akong busy at wala kong panahon para sa mga trip na ganito pero hindi ko alam kung anong sumapi sa'kin at nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad papunta sa library.

Walang kahit isang tao ang naabutan ko sa library, pinaglololoko lang ata ako ng taong yun.

"Miss, may nagpapabigay po sa'yo." may isang freshman na lumitaw sa harap ko. Inabot niya ang isang maliit na papel at chocolate.

Hi Yessa. Ang ganda ganda mo, inside and out. Sorry pinapagod kita sa paglalakad ha? Suki ka na dito eh, lagi ka kasing napapahamak. Pumunta ka na. Hihintayin kita. Three words.

Mukhang alam ko na kung sino ang may pakana ng lahat ng ito. Si JC talaga, he never failed to make me feel loved.

Naglakad ako papuntang clinic, tama nga siya,  nakakapagod kasi medyo magkakalayo yung pinapapuntahan niya sakin.

Pagdating ko sa clinic, sobrang na surprise ako to see my favorite band singing. Wow!

"Cloud!!!! Waaaaaaaaah!" sigaw ko nung makita ko si Cloud, ang crush na crush kong guitarist ng Made in Heaven.

Tumigil sila sa pagtugtog tapos lumapit sakin si Angel, ang vocalist ng banda. Ang ganda niya!

"Hi Ms. Yessa, you know what? You're so lucky to have him. Mahal na mahal ka niya. I felt it. Pinapabigay niya pala."

Sorry, last na 'to. Dito ka laging umiiyak. Lagi kang nasasaktan, nag-iisa. I'm waiting for you my angel.
Kung sila made in heaven ikaw sent by heaven <3

Awwww. Inabot ko yung teddy bear na hawak ni Cloud, he tapped my shoulder. I smiled.

Tumakbo ako papuntang Garden, madilim na nakakatakot pero ngayon pa ba ako maduduwag? Si JC nga hindi natakot na masaktan. Grabe na yung sakripisyo niya.

Sobrang liwanag sa School Garden, daig pa ang pasko. Punong-puno ng makukulay na ilaw. Ang daming decoration at bulaklak sa paligid. Kumakanta si Sky, isa rin sa vocalist ng MIH. One of the sweetest songs,  I'll be by Edwin Mccain.

Everything was almost perfect. Masaya na sana ko. It was a nice day pero bakit siya yung nandito. Wait! Teka lang, naguguluhan ako.

"Pangs, happy valentines day."

--

Jeric Chayze's POV

Everything is prepared. Nakahanda na yung Set-up sa garden. Nakausap ko na yung manager ng favorite band niyang Made in Heaven.Pinakiusapan ko na rin yung mga kaibigan kong first year na sila yung mag-abang sa kanya at magbigay ng letter.

I literally fell Where stories live. Discover now