Chapter 20

148 1 0
                                    

Chapter 20

*revelations

Drake's POV

"Ano pong ibig mong sabihin?"

Tumawa ng mahina si Mama.

Hindi ko na siya maintindihan.

Umiiyak tapos tatawa.

"Alam mo ba kung bakit laging wala dito ang papa mo? Kung bakit mula noon ay hindi siya nag stay dito sa bahay at lagi siyang nasa ibang bansa? Kung bakit hindi siya umuuwi dito kahit may okasyon? Alam mo ba kung bakit Drake?"

Si Dad pala ang issue dito.

Hindi siya umuuwi dito, pag tinatanong ko si mama sinasabi niya na nandun daw ang mga business ng pamilya namin.

Kailangan daw yun asikasuhin ni dad kaya hindi siya pwedeng mag stay dito.

"Ma, naguguluhan na po talaga ako."

"Ni isang beses Drake, hindi kami nag usap ng papa mo na hindi nagtatalo. Ang sabi mo kanina mabuti akong ina at hindi ako mahirap mahalin, hindi totoo yun. Dahil ni katiting, hindi ako minahal ng papa mo! Ni minsan, anak."

napalakas ang iyak ni mama.

Masakit!

Masakit malaman na all these years, ganito pala kalaki ang problema ng mga magulang ko.

Pinipilit nilang paniwalain ako na okay ang lahat kahit ang totoo ay hindi pala talaga.

"Arranged Marriage ang nangyari sa amin ng papa mo drake, pinakasal lang kami dahil matagal nang magkaibigan ang mga magulang namin. Classmate ko siya nung high school pero hindi kami close niyan. Maangas kasi ang dating niya.Kailangang mag merge ng kumpanya nila at kinakailangan naming magpakasal para mas lumaki ang business nila."

Nakikinig lang ako kay mama.Nakayuko siya habang nagkukwento.

Tuloy tuloy lang ang pagtulo ng luha niya.

"We don't have feelings for each other that time. I never liked him dahil nga maangas siya at ang yabang ng aura. May girlfriend siya noon, si Liz classmate rin namin noong high school, matagal na sila kaya sobrang tutol kami sa kasalan. Wala rin kaming nagawa dahil kung hindi kami magpapakasal ay malulugi at maghihirap ang mga pamilya namin. May sakit noon ang lolo mo kaya wala nang nagawa si Chad kundi pakasalan ako. Hindi ko talaga siya mahal nung una pero natutunan kong mahalin siya. Mabait naman pala siya at maalaga kaya hindi ako nahirapang mahulog sa kanya.Masaya ako noon at dumating ka. Akala ko mahal niya na rin ako. Akala ko magiging masaya na tayo pero mali ako anak. Hindi talaga ako natutunang mahalin ng ama mo."

Ayoko talaga sa lahat ay ang makitang umiiyak ang mga babaeng mahalaga sa buhay ko.

Kahit ako na lang ang masaktan, wag sila.

"1st Birthday mo nun. Naghanda talaga kami ng party. Tinulungan ako ng papa mo, siya ang nag asikaso ng party. Ang maganda lang, kahit hindi niya ako mahal, ikaw mahal na mahal ka niya. Masaya tayo nun. Everything was perfect pero bigla siyang umalis, Hinanap ko siya nung malapit nang magsimula ang party at kailangan na siya pero wala siya. Nagsimula at natapos ang party mo na hindi ko nakita kahit anino niya man lang."

Nagbuntong hininga si mama at pinunasan ang mga luhang walang tigil na tumatakas mula sa mga mata niya.

"August 10, 1996. Madaling araw na nun ng birthday mo pero hindi ako makatulog. Hinihintay ko ang papa mo. Nag aalala ako na baka may masamang nangyari sa kanya. 4am na siya dumating. Natulog siya agad dahil mukhang pagod na siya. Hinayaan ko lang siya at natulog na rin ako. Maaga siyang umalis, naiwan niya yung cellphone niya at tunog ng tunog yun. Inopen ko yung inbox at nagulat ako sa nakita ko."

I literally fell Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon