Chapter 38

64 2 1
                                    

Chapter 38

*unexpected day

Blythe's POV

Hi, ako nga pala si Blythe at birthday ko na ngayong araw na 'to.18 na nga pala ko, ganap na kong dalaga. Hindi na ko minor, nasa tamang edad na ko. Ha-ha. Bakit ko nga ba sinasabi sa inyo? As if naman may pakialam kayo diba? Sila nga wala eh.

Nakakainis lang dahil nataon pang maaga natapos ang second semester ngayong school year na 'to. Sabagay, maaga rin naman nag-start yung klase nu. Haay! Wala tuloy akong mapagka-abalahan. Heto ako at bagot na bagot na dito sa bahay, konti na lang talaga at kukuha na ko ng lubid dito. Eeeeeeeh! Nakakainis talaga.

Binati naman na ako nila mama kanina, pumasok silang tatlo nila papa dito sa kwarto, may dala silang cake at ginising ako sa pamamagitan ng pagkanta ng Happy Birthday. Awww. They already made my day by simply doing that. Medyo na dissapoint lang rin ako nung nagpaalam sila na kailangan nilang umalis dahil may importante silang aasikasuhin. Si Chester naman, pumasok sa school. Well, siguro nga dapat kong tanggapin na maraming bagay pang mas mahalaga kaysa sa akin.

----

Yes! Hapon na, konti na lang at matatapos na 'tong araw na itey. Yep, I want this day to come to an end but I hate it because there's a part of me hoping that something good is still going to happen. "May 8 hours pang natitira sa araw na 'to." Deep within me, yan ang iniisip ko.

Assumera ka talagang babae ka.

Bumalik ako sa mundo nang marinig ko ang paborito naming kanta, 5-4-3-2-1. Ah! Ringtone ko pala iyon, may tumatawag. Binuksan ko ang drawer at dinampot ang phone ko.

"He--"

"Blythe!!!!! Blythe!!!!!"  hindi ko pa nasasambit ng buo ang salitang 'hello' ay nagsalita na ang nasa kabilang linya. Umiiyak siya at hingal na hingal.

"Lorraine?"

"Blythe, makinig ka. P-pumunta ka dito sa hospital, sa hospital kung saan ka dinala nung nahulog ka, naaalala mo pa ba? Blythe, nandiyan ka pa ba?"

"Mmmmmm." yan na lang ang nasabi ko dahil sa sobrang pagkalito. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan.

"Naaksidente kasi si Niccs, nasagasaan siya ng 10-wheeler truck at malubha...." umiiyak siya, naririnig ko yung mga hikbi niya. "Malubha ang kalagayan niya, sana man lang makumpleto lahat ng mahal niya sa buhay kasi Blythe, malubha talaga ang lagay niya at sabi ng mga doktor sandali na lang.."

"Ssssh!" tuloy-tuloy ang pag-tulo ng mga luha ko. Pinipilit kong i-digest lahat ng sinasabi niya. Hindi ako makapaniwala, hindi ito totoo. Sana hindi. "Manahimik ka diyan!! Kung anu-anong sinasabi mo eh.. Papunta na ko, okay? Hintayin niyo ko ha."

Nagsuot lang ako ng loose shirt at jeans pagkatapos ay lumabas na ng bahay. Hindi na ako nakapagpaalam kay Ate Abby, wala rin siya sa bahay kanina. Sinundo niya siguro si Ches. Hindi ko alam kung nasaan na ang mga tao sa bahay.

Niccs, lumaban ka. Mahal na mahal kita kahit wala ka naman talagang kwentang kaibigan. Ang daya mo naman e, balak mo pa talagang iwanan kami sa parehong araw ng kaarawan ko? Bestfriend nga kita. Ginawa mong unforgettable ang araw ko.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ang sakayan at kung anong signboard ng sasakyan. Wala akong idea kung saan ang hospital na 'yon.

Kinalabit ko si manong driver nang makarating kami sa may 7-11. Bahala na. Ewan.

Tumayo ako sa tapat ng 7-11. Madaming dumadaang jeep pero hindi ko alam kung alin sa mga 'yon ang tamang sasakyan.

"Yessa!" bago pa ako mapalingon ay hinila ako ng isang lalaki papasok sa isang kotse at piniringan.

"Sino ka?" naiiyak na ko. Hindi ko siya kilala at mas lalong natatakot ako dahil pinaandar na niya ang kotse nang hindi man lang nagsasalita.

"S-sino ka?!" Hindi pa rin siya sumasagot. Mabilis ang pagpapatakbo niya ng kotse kaya lalo akong kinabahan.

"Hello." Nagsalita siya. Hindi ko siya mabosesan.

"Uh-hi?" pinilit kong ngumit kahit basang basa na yung piring ko sa kaiiyak.

"Malapit na po kami." sagot niya ulit. "Yes boss."

Hindi na ko nagsalita dahil narealize kong may kausap pala siya sa phone.

"Kuyaaa! Nasagasaan yung kaibigan ko, Kailangan ko siyang puntahan."

"Bakit ba ako ang kinidnap mo?"

"Hoy sumagot ka!!!!! Isnabero ka ah!"

"Alam mo bang birthday ko ngayon tapos kung ano ano pang kamalasan ang nangyayari! PARANG AWA MO NA PAKAWALAN MO NA KO!"

Ang dami dami ko nang sinabi pero hindi talaga siya umimik.

Inalalayan niya ko pababa ng kotse. Hindi ko talaga alam kung saan niya ko dadalhin. 

I literally fell Where stories live. Discover now