Chapter 21

161 3 1
                                    

Chapter 21
*playful destiny

Third Person's POV

Linggo ngayon at walang pasok sila Blythe. Sinabihan siya ng mama niya na magbihis dahil kakain sila sa labas. Tumango lang siya at hindi na nagtanong pa.

Hindi pa rin siya nagbabago, limang minuto pa rin kung siya ay maligo.

Hindi kasi siya katulad ng ibang dalaga na tatlong klase ang ginagamit na sabon, may shampoo na nga nagcoconditioner pa.

Si Blythe, basta may sabon at shampoo lang, solve na.

Nagsuot lang siya ng Isang simpleng shirt at jeans, nagsuklay ng limang hagod at bumaba na.

Pagkababa niya ay wala pang tao, naghahanda pa pala ang mama niya at naliligo pa ang nakababata niyang kapatid. Talo pa niya ito, lalaki si Chester pero ang tagal nitong maligo at magbihis.

'Ang kukupad nila.' sabi niya sa sarili.

Maya-maya ay bumaba na ang mama niya kasama ng kanilang kasama sa bahay. Si Abby.

Ayaw na ayaw ni Blythe na tawaging katulong ito kahit technically, ganun naman talaga. Mas maganda raw kasing pakinggan at nagpapakita ng respeto kung tatawagin siyang kasambahay sa halip na katulong.

"Wala pa si Chester ma?"

"Nagbibihis pa sa taas."

"Argh! Ang tagal talaga ng isang iyon."

Inip na inip na si Blythe. Aakyat na sana siya para batukan at pagalitan ang kapatid dahil sa pagiging 'cause of delay' nito pero bumaba na ito.

"Ano yan? Bakit ganyan ang buhok mo?" nakakunot na noo niyang tanong sa kapatid.

"Ate, eto po ang tinatawag na HAIRSTYLE." In-emphasize talaga niya ang huling salita.

"Ang panget, pag may nahulog na butiki sa ulo mo, patay agad."

"Inggit ka lang, palibhasa hindi ka marunong mag ayos ng buhok. Teka nga, alam mo ba yung ibig sabihin ng hairstyle?"

Napipikon na si Blythe sa kapilyuhan ni Chester. Napansin naman yun ng Mama nila kaya sinaway nito ang magkapatid.

"Naku! Kayong dalawa, tumigil na kayo sa pag aasaran, aalis na tayo. Male-late na tayo, nakakahiya sa kanila."

Nagtaka si Blythe sa sinabi ng ina.

Kanino nakakahiya at sinong kakatagpuin nila? Yan ang mga tanong na naglalaro sa isip niya pero hindi na siya nag abalang tanungin ang ina tungkol dito.

Tinatamad siya at wala sa mood na uriratin ang mama niya.

Nag-taxi sila papunta sa restaurant. Wala silang sariling kotse dahil mas gusto ng mga magulang niya na simple lang. Magiging magastos lang ang daw sa gasolina.

After 30 minutes ay narating rin nila ang restaurant. Naunang bumaba si Blythe. Hindi niya naman alam kung saan uupo kaya hinintay niya muna ang mama niya.

Sinundan niya lang ito.

Umakyat sila sa second floor ng Pizza hut, ang favorite na kaninan ni Drake at Blythe.

O___________O

Gulat na gulat si Blythe dahil sa nakita niya,  nandun si Claudine.

Ang mama ni Drake.

Aatras na dapat siya at tatakas para umuwi dahil siguradong nandun si Drake pero napatid siya at..

"Waaaaaaaah!"

I literally fell Where stories live. Discover now