Chapter 34

64 1 0
                                    

Chapter 34

*Amnesia

Blythe's POV

"Uy kasi! ano nga sinabi sayo ni papa nung nakaraang araw?" inalog alog ko siya. Tawa pa rin siya ng tawa. "Uy kasi! Sabihin mo na!!!"

Naiinis na talaga ako. Kanina pa ko tanong ng tanong kung ano yung pinagusapan nila ni Papa pero nakangiti lang siya tapos tatawa. Ilang araw na kong kulit ng kulit sa kanya pero ayaw talaga niyang sabihin. Tatawa lang siya ng tatawa tapos magpapacute at ngingitian ako tulad ngayon.

"Hindi nga kasi pwede. Bakit ba gusto mong malaman? Ang chismosa nito!"

Napanguso ako. "Sorry ha! Gusto ko lang naman malaman kung anong napagusapan niyo, curious lang kasi ako kung bakit ang lapad lapad ng ngiti mo paglabas mo ng gate."

"Basta, Secret. Uy, may sasabihin nga pala ko."

"Ano?"

"After kasi mai-release yung grades sa 12, maga-out of town ako."

"Ha? Para san?" after four days, ire-release na yung grade kaya summer vacation na!

"Wala lang, napagisip-isip kong gusto ko lang magbakasyon. Wala naman din akong gagawin dito e! At saka, saglit lang ako dun, mga 1 week lang kaya sa 19 nandito na ulit ako.

"Sigurado kang walang importante?"

"Ha? Oo, bakit meron ba?" tanong niya na tila ba nagtataka at nagiisip ng kung ano.

Iniwasan ko siya ng tingin. "Wala naman."

"Sabi ko sa'yo e. Basta in case may importanteng dapat gawin, sabihin mo sakin ha para i-postpone ko na lang yung reservations namin dun."

"Ah, nakapagpareserve na pala kayo. Sino-sino yung kayo?"

"Sila Nikko, Si Franz,  basta yung mga kaklase ko. Nakaka-stress kasi yung sem na 'to kaya alam mo na, we need some time to chill."

"Ah, sige. Mag-enjoy kayo dun. Pa-check up mo rin yang utak mo baka may dementia ka na o kaya naman Alzheimer's."

"Ha?!" Iniwan ko siyang nakanganga dun.

Wow ha! Talagang clueless siya na 18th birthday ko sa March 16. Eight days na lang o! Wala talaga siyang kaide-ideya? Mas pipiliin niya pang magchill-chill sa kung saang lupalop kasama yung barkada niya kesa samahan akong ipagdiwang ang kaarawan ko? Ay leche!

Drake Gonzaga, ang tali-talino mo sa math at science. Engineering Student ka pa man ding naturingan pero bakit ang engot mo? Tss! Sino ba namang sira-ulo ang makakalimot ng birthday ng sarili niyang bestfrriend since fetus? and take note girlfriend mo ako!!!!

"what's with the face?"

"walang hiyang Drake Gonzaga yan!"

"Bakit? Anong ginawa niya sa'yo at pulang-pula ka diyan sa galit? Kung nakikita mo lang kung gaano na kalapit sa isa't isa yang mga kilay mo, baka magsanib pwersa na yan at magkaroon ka na lang ng isang kilay sa gitna! Ikaw rin, sige ka."

"sino ba namang hindi maiinis? alam mo bang maga-out of town siya after ng releasing of Grades?"

"Tapos?"

"Sa 19 pa daw siya makakabalik. Mas pipiliin niya pang magchill-chill kasama yung mga kaibigan niya. Bwisit talaga!!!!"

"I don't see anything wrong with that. Alam mo nakaka-stress talaga ang maging Engineering student kaya kailangan talaga nila ng time na mag-enjoy sa buhay. Aba! Anim na buwan atang pinagkait sa kanilang gawin yun."

"Isa ka pa Niccs e! Hindi mo ba alam kung anong meron sa mga susunod na araw?"

"Releading of Cards tapos? tapos? Uhm, monthsary niyo? Ah! Kaya pala nagtatampo ka kasi mawawala siya sa first monthsary niyo! Okay----"

I literally fell Where stories live. Discover now