Chapter 33

78 2 0
                                    

Chapter 33

*he's back

Blythe's POV

Date today: March 1, 2014

Oo, tama kayo ng pagkakabasa. March na ngayon kaya malapit na kong mag birthday at excited na rin ako kasi babalik na si papa this month at dito lang siya hanggang first week of april.

By the way, okay naman kami ni Drake. Break na kami. Haha. Joke! Ayun, habang tumatagal mas nagiging sweet siya tapos si JC? Naguusap na ulit kami pero medyo awkward pa rin, malungkot pa rin kasi yung mga mata niya eh at alam ko namang isa ako sa mga dahilan nun. Hindi ako assuming, obvious kasi.

Bigla nga palang naging mabait sakin si mama, hindi na niyako laging sinisigawan at pinapagalitan. Sobrang tuwang-tuwa siya sa akin kasi for the first time daw sa buhay ko may ginawa akong tama, at yun ay ang sagutin si drake. Ewan ko ba sa mga nanay namin, mas natuwa pa ata sila nung nalaman nila yun.

Alam na rin ng buong school na kami na pero syempre nawindang sila kasi diba ang tagal atang pinalabas ni drake noon na girlfriend niya si Amber. Tss. Ako tuloy ang lumalabas na masama sa iba.

"Muffin!" lumingon ako nang marinig ko ang boses ni Lorraine. Kasama niya si Jonna at papalapit sila sakin.

"Uy, kanina pa kayo? Nasan sila Niccs?" tanong ko. Balik na ulit kami sa dati, nag-sorry sila kasi naging busy sila sa sari-sarili nilang buhay at parang nagkalimutan na kaming lahat. Nag break na rin si Lorraine at yung ex  bf niyang si Paulo. Player pala yun, pinagpustahan lang si Lorraine, masyado kasing na inlove tong babaeng to kaya hindi nakaramdam. Pero nakamove on naman na daw siya ngayon. Take note, Daw!

"Ewan ko kung nasaan na yung Nicca Angela Lorenzo na yun, itatali ko na siya kay Kristoff e. Lagi na lang silang magkasama, magkakapalit na sila ng mukha niyan." natatawa-tawang biro ni Jonna. "Ikaw pala? Bakit hindi mo kasama yung Drake na boyfriend slash bestfriend slash bodyguard slash driver slash yaya mo." dugtong pa niya.

"Baliw! Hinatid niya ko kanina pero dumiretso na agad siya sa room nila. Maaga kasi yung class niya ngayon tapos tayo 9am pa kaya nag-stay muna ko dito at hinintay kayo."

"Totoo bang inagaw ni Blythe si Drake dun sa magandang architecture student?" rinig na rinig kong bulong nung isang babae.

"Oo girl, nakita ko silang magkasama eh. Grabe no? I can't believe na kaya niyang gawin yun, ang bait niya kaya and another thing simple lang siya. Naging blockmate ko siya nung first year." sagot naman ng kasama niyang nakalunok ata ng microphone.

Nakatingin lang kaming tatlo sa kanilang dalawa. Ilang ganitong eksena na ang nangyayari mula nang maging kami ni Drake. "Hoy! Mga bwisit kayo! Alam niyo ang eepal niyo eh? Ganyan ba talaga? Hindi ba talaga pwedeng mawalan ng mga Chismosang campus girls sa isang story? Ginagawa niyong cliché yung kwento eh." inaawat na namin si Jonna. Warfreak talaga 'to lalo na pag kaibigan niya ang ginagalaw. "Tumigil na kayo ha! Hindi niyo alam ang buong kwento kaya manahimik kayo. Sa oras na marinig ko at malaman kong pinapakelaman niyo pa si Blythe, itatahi ko yang mga bibig niyong bad breath at ipapatapon ko kayo sa Amazon River!!!!"

"Sorry po." nakayukong bulong ni Girl two. Hinila niya yung kasama niya at mabilis na naglakad palayo mula sa kinaroroonan namin.

"Psh! Ka-BV. Wag ka na lang magpaapekto dun, inggit lang yung nga yun. Ang pogi kasi ng boyfriend mo." tumawa ako.

"Nasanay na rin ako. Okay lang naman as long na alam natin ang totoo." sagot ko.

"Eh? Kelan niyo ba kasi balak sabihin sa mga tao na magkapatid si----"

"Sssh! Gusto mo bang magkaroon ng World War III at Civil War? Hindi pa nga pwede! Ay basta! Magulo pa ang lahat Jonna." pinutol ko kasi yung sasabihin niya. Delikado! Baka may makarinig.

I literally fell Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon