Chapter 6

253 8 1
                                    

Chapter 6

*quality time

Blythe's POV

One week.

One week had passed since I fell on that staircase. Accidentally? Nuh.

Katangahan siguro ang tawag doon.

Eh kasi naman, masakit yung nakita ko. Parang pinamukha lang sakin ng tadhanan na imposibleng magkagusto sakin si Jeric, kasi perfect ang tipo niya sa babae.

Anyway, okay na ako ngayon. Dinala ako nila mama sa orthopedic that same day. Sinemento yung left leg ko kasi nabali daw yung tibia.Hindi pa pwedeng tanggalin yung semento. 2 weeks pa daw.

Pero..

Mabait talaga si God kasi nakakalakad na ako ng maayos. Sobrang ingat lang dapat at saka syempre hindi gaya ng dati kasi nakasemento pa.

Hindi rin ako absent ng one week. 2 days lang. Bakit?

Because it’s sembreak. Diba nga last days na ng first semester nung nahulog ako.

Ayan na naman sa hulog thingy.

Halata bang masaya akoo? Wala eh, masaya lang talaga :D

“Nak, Andito na yung ampon natin.”

Bumangin agad ako sa higaan nang marinig ko si mama.

Andiyan na Siya. Excited na ulit ako.

Drake's POV

Ano kayang ituturo ko sa kanyang kanta ngayon?

Naglalakad ako ngayon papunta sa pangalawa kong bahay.

Sa bahay nila Blythe.

Mula kasi nung bakasyon, araw-araw na akong nandito.

Pagkagising, pupunta sa kanila. Umuuwi lang ako pag matutulog na.

Bakit ko ginagawa to?

Dahil gusto ko siyang pasayahin.

Alam ko kasing kapag mag-isa siya, maaalala na naman niya si JC.

Sa sobrang dalas ko sa kanila, inaasar na ako ni Chester.

Sabi niya kay Tita Grace, ampunin na lang daw nila ako para may kuya na siya.

Wag ka mag-alala chester, magiging kuya mo ako. Wait ka lang.

*pindot sa door bell*

After 10 seconds, pinagbuksan ako ni Tita Grace ng gate.

“Good morning po tita.” Bati ko sa kanya sabay beso.

“Nag-almusal ka na?” tanong niya.

“Ah, opo. Nakakahiya naman po kung dito pa ako magbe-breakfast.” Natatawa-tawang sagot ko.

“Aba? Nahihiya ka pa pala sa lagay na yan. Joke lang nak, pasok na.”

Si tita talaga. Napaka joker. Parehong-pareho sila ni mama, kaya sila close eh. Haha.

Mas okay na yung close mga mama namin, parang wala ng hassle sa amin diba? *winks

“Nak, Andito na yung ampon natin.” Sigaw ni tita kay blythe, pagkapasok namin.

Pinanindigan talaga nilang ampon nila ako. Hmp.

“Akyat ka na lang dun drake, matagal pa yun bago bumaba dito. Alam mo naman yan.”

Tumango na lang ako kay tita at nginitian ko siya. Alam ko namang mabagal kumilos si Blythe kaya ako na lang talaga ang aakyat.

“Good morning pangs!” bati ko sa kanya habang abot tenga ang ngiti.

“Hoy! Sinong may sabi sayo na umakyat ka dito sa kwarto ko?” Inemphasize niya pa talaga yung word na “kwarto ko.” Ang cute talaga ng panget na to.

“Si Tita Bakit? Ikaw ba nagpagawa nito?” hindi naman siya nakasagot. “Basag ka na naman. Sus!”

“Oo na! Game na. Ano ituturo mo sa akin pangs?” Nilabas niya agad yung yellow niyang gitara.

“Hmmm. Master mo na ba yung basic chords?”

“Oo naman. Ako pa. Name it, I can do it!” pagyayabang niya.

“Pangs ka talaga. Kakantahan muna kita. Okay? Watch and learn.” kinindatan ko siya at natatawa-tawa naman siyang tumango.

Umiiyak ka na naman

Langya talaga , wala ka bang ibang alam

Namumugtong mga mata

Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa

Lagi na lang siyang umiiyak. Lagi na lang dahil kay JC o kaya minsan dahil sa kung ano pa mang mababaw na bagay.Nakakasar na. Napaka-iyakin niya.

Sa problema na iyong pinapasan

Hatid sayo ng Dyeysing yan hindi mo maintindihan

Binago ko yung word na “boyfiend” pinalitan ko ng “Jc.”

She laughed. Ugh, That’s my kryptonite.

May kwento kang pandrama na naman

Parang pang TV na walang katapusan

Hanggang kailan ka bang ganyan

Hindi mo ba alam na walang pupuntahan

Lagi ka na lang sakin nagdradrama pangs.

Paulit-ulit. Handa naman akong makinig sa problema mo pero.. Wag sana ganito.

Ang pagtiyaga mo dyan sa mahal mong tanga

Na wala nang ginawa kundi ang paluhain ka

Hirap na hirap ako mapasaya ka lang pero siya walang kaeffort-effort, pinapaiyak ka lang niya.

Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nagkasama

Iilang ulit palang kitang makitang masaya

Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya

Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong

Tunay na halaga

Tuwing maguusap tayo, puro siya, siya, siya.

Magkasama sila ni Kris blah blah blah.

Kung ano yung pag-iingat ko sayo, ganun na lang din yung pananakit niya.

Manhid ba siya? Hindi niya ba alam na nasasaktan ka?

Bakit kasi siya pa?

Hindi ba pwedeng ako na lang?

Ang hirap ng sitwasyon na ganito.

Yung mahal mo yung bestfriend mo.

Pero siya iba yung mahal niya.

Sa istorya na ito, pareho lang naman kaming talo ni Blythe.

Mahal niya ang isang taong may mahal na iba, ako naman nagpapakatanga kakahabol sa kanya.

Naalala ko na naman yung favorite verse ko dun sa kanta.

Medyo malabo yata ang mundo, binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko.

I literally fell Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon