Chapter 24

136 2 0
                                    

Chapter 24
*alaala

Blythe's POV

December 29.

I just opened my facebook account. Ni-reveal na yung identity ng winners via facebook, ewan, daming kaartehan. Instant sikat naman ako and I hate it.

Congratulations!

Puro ganyan lang ang nakita ko sa aking wall at message box, iba-iba lang yung way, may jeje, may conyo at meron pa rin namang normal.

Hindi ko kilala kung sino yung third place, ang natatandaan ko lang Literature ang tine-take niyang course. Yung first place? Oh well, kilala ko siya. I know him too well. Bakit? Since birth ko lang naman kasi siyang bestfriend at halos araw-araw ay kasama.

Oo, si Drake S. Gonzaga nga ang writer ng 'Sonnet 316.'

I re-read the poem. Paulit-ulit ko na 'tong binabasa mula nang malaman kong siya ang nagsulat nito. Hindi ko kasi talaga maintindihan, tungkol sa bestfriend niya. Di'ba ako yun?
Ayokong maging assuming kaya kailangan ko siyang makausap. He needs to explain everything.

I sent him a text message.

To: Drake Panget <3

Uy, magkita tayo sa park. Pumunta ka, please.
Blythe 'to.

Nagbihis ako at dumiretso na sa capitol. Umupo ako sa punong 'yon'. Ito ang pinaka-espesyal na puno sa lahat ng puno dito, dito kasi nagsimula ang lahat kaya dito kami madalas tumambay.

(Please play: Alaala by Yeng C. Refer to the video at the side)
*flashback, 10 years ago

"Ayoko talagang pumunta sa park. Madaming bad kids doon, inaaway nila ako. Ayoko nang bumalik doon."

"Sasamahan naman kita eh, dali na! Maglalaro lang tayo."

"Ayoko, natatakot ako."

"Blyf, ang duwag mo talaga."

"Hindi naman blyf ang pangalan ko eh." natatawa-tawang sabi ng bata, hindi talaga mabigkas ni drake ang pangalan niya ng maayos.

"O sige, panget na lang ang itatawag ko sa'yo."

"Bad ka!"

"Joke lang panget, tara na? Sasamahan kita. Ipagtatanggol kita sa mga salbaheng bata na 'yon."

"Promise?"

"Promise na promise panget. Gagawin ko ang lahat para protektahan ka. Ako si superman!"

***

Ang tagal naman niya, kanina pa ako naghihintay dito.
Darating kaya siya? Sana.

Alaala, Alaala, Alaala
Araw-araw ay naghihintay sa'yo
Dala-dala ang pangarap na hindi nabuo
Bawat alaala mo'y nagbabalik
Hindi pa rin malimot
Ang mga sandali

***

"Nandiyan na sila, natatakot ako drake." nagtago si blyf sa likod ng batang drake.

"Wag kang matakot, kasama mo ako. Kasama mo si Superman."

Lumapit sila sa playground kung saan naglalaro ang mga batang lalaki.

"Hello. Pwedeng kami naman? Salit-salitan. Kanina pa kayo diyan e." napalingo ang mga batang lalaki.

"Ano ka? Hindi pwede, teritoryo namin 'to. Umalis na kayo!"

"Para sa lahat ng nakatira sa Vista subdivision ang park na 'to, kaya pwede kaming gumamit. Dali na, sasakay kami sa duyan e."

I literally fell Where stories live. Discover now