Chapter 30

87 2 0
                                    

Chapter 30

*Complications

Blythe's POV

"Hindi mo nga ko pwedeng ihatid, hindi . alam ni mama baka hindi siya pumayag."

"Ha? What do you mean? Itatago natin kila tita na tayo na? Hindi naman pwede yun babe, gusto ko legal tayo sa kanilang lahat. Ayoko na ng kahit anong hassle sa relasyon natin."

"Una sa lahat, pwede ba wag mo kong tawaging babe? Hindi bagay satin, parang baduy, nakakasuka ganun. Pangalawa, hindi naman sa itatago natin, sasabihin din natin kay mama pero hahanap tayo ng tamang timing. Please?"

"Tsk! Pasalamat ka mahal kita kung hindi..."

"Kung hindi ano?" Nakapamewang na tanong ko sa kanya.

"Kung hindi...... Wala! Walang ganun kasi mahal talaga kita."

"Umuwi ka na rin."

"Ayoko, gusto ko makita ka munang safe na nakarating sa kwarto mo bago ako umuwi."

"Sa kwarto talaga?"

"Oo, baka kasi mahulog ka sa hagdan niyo. Careless ka pa naman din. Ang hirap pala magkaroon ng careless na girlfriend."

"Wow! Nakakahiya naman sa'yo. Maghanap ka na lang ng bago mong girlfriend, yung hindi careless."

"Joke lang. I love you! Uwi ka na, dito lang ako."

Inirapan ko siya at tinalikuran. Ayokong makita niyang ganito kapula ang mukha ko.

Totoo na ba ito? May boyfriend na ba talaga ako? Totoo na ba? Hindi pa rin ako makapaniwala kahit maga-anim na araw na kami bukas.

Hindi pa alam ni mama ang tungkol sa amin, kinakabahan ako. Naalala ko kasi yung sinabi ni mama at papa sa'kin. Bawal pa daw akong magboyfriend kung hindi pa ko nakakapagtapos ng pag-aaral.

"Huy ate, bakit ang pula ng mukha mo? Para kang clown. Napaso ka ba? Anong nangyari sa'yo?" sunod sunod na tanong sakin ni Chris pagpasok ko ng bahay.

Napatingin naman si mama na kasalukuyang nanoood ng TV sa'kin.

"Nak, punasan mo nga yang mukha mo. Hindi pantay yung pagkakalagay ng blush-on mo, bakit mapula ang buong mukha? Sabi ko naman sa'yo wag ka nang mag make-up e, hindi ka naman marunong."

Ang corny ng pamilya ko no? Mas malala kung nandito si papa.

Napangiti na lang ako. Ang gaan kasi ng mood ko ngayon, feeling ko walang problema kahit may business proposal pa talaga akong dapat ipasa at sangkatutak na take home tests ang binigay sa Math 17.

Ganito ba talaga pag inlove? Ang sarap sa pakiramdam, feeling mo kaya mong gawin lahat ng bagay. Hindi ako magaling sa Math pero first time atang hindi ako namomroblema sa exams.

Nagvibrate yubg cellphone ko. It was him. Corny na kung corny pero automatic na nag-form ng smile yung mga labi ko.

From: Drake Panget <3

Pangs, Una sa lahat gusto kong sabihing mahal na mahal kita. Dito po ako ngayon sa Kotse, papunta kila Amber. Hindi ko pa kasi napapaintindi ng maayos sa kapatid ko. Sorry, di ko nasunod yung sinabi mong uwi agad.

Hindi ko pa rin pala napapalitan yung pangalan niya sa Contacts ko. Eh? Ano naman ipapalit ko? Babe? Baby ko? Mahal ko? Boyfriend ko? Ewan.

To: Drake Panget <3

Naiintindihan ko po. Ingat ka ha? Diba sinabi mo na kay Amber nung nakaraan?

Dumapa ako sa higaan at gumulong-gulong. In just a split second, he replied.

I literally fell Where stories live. Discover now