2. Gang? o Pizza?

82K 2.2K 441
                                    

Ibinalik ko ang tingin ko sa white board ng hindi parin nagr-react si Mr. Apduhan.

Pinakatitigan ko ang sagot ko.

Tama naman lahat? Wala ako makita ni isang mali.

Balik ang tingin ko kay sir.

"Ah, sir okay lang kayo?"

Biglang tumikhim si Mr. Apduhan.

"Y-you may take your seat Ms. Santiago."

O...kay ang weird ni BB gandang- este ni Mr. Apduhan.

Yuko ang ulo na naglakad ako pabalik ng upuan.

Nang mapatapat ako sa isa kong klasmeyt nakita kong inilabas nya ang isa nyang paa para patidin ako, nakita ko pero hindi ako umiwas.

Ang resulta lagpak ako sa sahig.

Nagtawanan ang kaklase ko.

"What are you doing Ms. Santiago?"

"Nags-swimming Sir try nyo masarap."

Tanga din itong si Sir tatanungin pa kung anong ginagawa ko eh diba nya nakita na nadapa ako.

"Natuwa po ako sa sahig kaya yinakap ko."  Sabi ko habang tumatayo.

"Ay tanga Ysa bakit ganyan ang sinabi mo."

Napayuko ako.

"S-sory po."

Pinagpatuloy ko ang paglalakad pabalik.

"Tatanga-tanga kasi." Narinig kong sabi ni Barbie, na hindi ko pinansin.

Bago maupo napasulyap pa ako kay Vane, na nakatingin pa din sa akin.

"Putakte huwag mo akong tignan ng ganyan Bev ko nagkakaruon ng earthquake sa dibdib ko eh."

Bakit ba ganito ang simula ng first day ko, asan na ang pispul life huhuhu...



*****

Gutom na ko:(

Kanina pa nagsimula ang break ko pero papunta pa lang akong canteen.

Eh paano ba naman ang daming bully sa mga sunod kong subject.

Paghindi ako inuutusan, ginagawa akong punching bag.

Kanina nga bago ako pumunta dito, may dalawang babaeng sumampal sakin at sinabihan akong huwag ko daw lalapitan o mahawakan man lang si Vane.

Hindi ko sila maintindihan, dapat hindi ako ang sinasampal nila, eh hindi naman ako ang lumapit ah, si Vane ang lumapit at humawak sa akin dapat sya ang sampalin hindi ako.

Nakakaewan itong school na ito.

Narating ko ang cafeteria.

Hala! Hindi naman ata cafeteria itong pinasok ko, sosyal na resto ata, ang ganda eh ang kaso magugulo ang mga kumakain.

Nakita ko sa kanang bahagi sina Barbie Crawford, ang babaeng koreana na si Stephanie Kim ang kakambal nito na si Stephano at ang chinito na si Chezter Mondragon.

O di ba kilala ko na sila, paanong hindi ko sila makikilala eh sikat sila dito sa Campus.

Sila lang naman ang First Four ng Knight Hunter ang isa sa dalawang gang na namumuno dito. At ang leader?
Walang iba kundi si Vane Cedric Motereal.

Yeah si Bev. At iyong grupong naka asul na estudyante na nakikita ko sila ang mga member ng KH.

Sino iyong kulay Pula?
Sila po ang Black Wings na pinamumunuan ni
Rolf Vasquez ang first four ay si Gladys Ramirez, Gareth Sales, Raquel Natividad at Richard Cruz.

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon