32. Pamilya Santiago

97K 2.4K 925
                                    

"How come na alam ng babaeng iyon ang birthday mo?"

Hindi alam ni Divine kung pang-ilan beses nya ng tinanong kay Vane iyon, pero tulad kanina tahimik lang ito.

Sakay sila ng yate papuntang Villa, nagpatawag ng meeting ang Elders sa buong Family kaya patungo sila doon ngayon.

Matagal nya ng gusto si Vane at sa tagal ng panahong iyon hindi nya nalaman ang birthday ni Vane.

Masyadong malihim si Vane, hindi nya sine-celebrate ang birthday nya o hindi nya pinapaalam kapag nagb-birthday sya. Tanging ang first four at malalapit nitong kamag-anak lang ang imbitado kung may party man na nagaganap, at kahit anong gawin nyang pag-iimbestiga walang nagsasabi kung kelan ang birthday ng binata.

Kaya hindi nya matanggap na alam ng Ysang iyon ang birthday nito.

Sino ba ito? Bakit iyong bagay na pilit at hirap syang alamin, nalaman nito ng ganon kadali?

"Sa tingin mo anong meron bakit bigla tayong pinapunta dito?" Tanong ni Stephanie kay Barbie.

Sumimangot si Divine, wala talagang pumapansin sa kanya.

"Ewan." Nagkibit-balikat si Barbie. " Baka bibigyan ng party si Vane." Tinignan nya si Vane na nakatingin lang sa bintana.

"Baka nga," sang-ayon ni Chezter.

"Magp-party? Ayos ah, nalaman lang ng lahat na ngayon ang birthday mo biglang may party na." Sabi ni Stephano.

"Pero bilib talaga ako kay Ysa. Aba simula pagkabata hindi inilalabas kung kailan ang birthday mo, tapos nakakagulat na alam nya at ang isa pang malaking tanong paano nya nalaman? Imposibleng kina Stendi dahil kahit ganon ang tatlo ginagalang nila ang secrecy ng Family."sabi ni Chezter.

Noon naman gumalaw si Vane, ng marinig nito ang pangalan ni Ysa.

Inalis nito ang tingin sa bintana at sinagot ang tanong ni Stephanie.

"May mahalagang bisita na darating pinatawag tayo para i-welcome at ipakilala sa lahat ang bisitang iyon."

"Sinong bisita?"

Kibit-balikat ang sagot ni Vane kay Barbie.

Natahimik ang lahat, si Divine yumakap sa braso ni Vane, ngunit napabitaw sya ng gumalaw si Vane para kunin ang headset nito at tulad ng dati nakinig ito duon at pumikit.

"Ano ba iyang pinapakinggan mo? Share mo naman babe." Kukunin nya sana ang isang headset sa tenga nito, ngunit mabilis nitong pinigilan ang kamay nya.

"Don't!"

"Pero gusto ko--" natigil sya sa pagsasalita ng tignan sya nito ng matalim.

Naibaba nya ang kamay muli naman ito pumikit, napairap sya.

"Ano bang pinapakinggan ng lalaking ito?"

Pero dahil nga wala naman syang magawa para malaman iyon napairap na lang sya ulit.

Pagdaong ng yate deretso sila sa magara at malaking dining area ng Main house.

Binati sila ng lahat ng naroon hanggang sa makarating sila punong mesa.

Naupo sa kanya-kayang upuan ang first four, habang si Vane ay naupo sa tabi ni Yverez.
Tinanguan ni Vane si Rolf na katabi ni Severino , iisang pabilog na mesa lang sila sa harap ni Vane may walong bakanteng upuan pa.

Nang maupo si Vane tumayo si Yverez, tumahimik ang lahat.

"Marahil nagtataka kayo kung bakit pinatawag ko kayong lahat sa pagtitipon na ito." Tinignan ni Yverez ang mga taong nakaupo sa tatlo pang pabilog at malaki na mesa. "Gusto kong ipakilala sa inyo ang mga taong tutulong sa atin na higit na maprotektahan ang Maligdan at ang tatlo pang bayan, ang tutulong sa atin na matalo ang lintek na DMC na iyan!" Lumakas ang boses ni Yverez, nananatili naman na tahimik ang lahat.

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon