20. Damit

61.6K 1.8K 228
                                    

"Anong ginagawa mo!" Galit na sabi ni Vane ng makalapit sa akin.

"Hello Bev... I missed you." Sabi ko naman.

Natigilan sya.

Parehas na kaming basang-basa sa ulan,sa gitna ng daan, sa madilim na kalsadang iyon.

Nakatingala ako sa kanya habang sya ay nakayuko.

Ang gwapo-gwapo parin nya kahit basa sya. Humahakab iyong katawan nya sa kulay puti nyang t-shirt. Parang gusto ko tuloy magpayakap.

Landi talaga Ysa.

Nakabawi sya sa pagkabigla. Niyuko nya ako at pinangko.

"Ang tigas ng ulo mo. Sinabi kong pumasok ka look at you basang-basa kana." Sermon nya habang papasok kami.

Ngumiti naman ako ng matamis.

Itong si Bev kung matigas ang  ulo ko di hindi na ako nagkakasugat at nagkakabukol, di ba?

Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg nya.

Naramdaman kong  natigilan sya ulit nang gawin ko iyon, sandali syang huminto sa paglalakad bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay ko.

Mabilis ang kilos na hinanap nya ang banyo.

Nang makapasok kami ruon dali-dali nya akong binaba.

Maliit lang ang banyo ko, na nahahati sa dalawa. Iyong liguan at kwarto ni mang doro.
Kahit maliit sanay akong maligo na may shower kaya nirequest ko talaga sa mga kambal ko na lagyan ang banyo ko ng ganon.

"Shit nabasa ang sugat mo!" Mura ni Bev.

Hawak nya na ang dulo ng damit ko.

"You need to take a quick shower." Sabi nya habang itinataas ang damit ko. Nakasilip na ang kulay purple kong bra ng bigla sya napahinto.

Umawang ang labi nya habang nakatingin sa dibdib ko, napansin ko rin na bigla syang namula.

"Bev?" Humakbang ako papalapit sa kanya.

Dumikit iyong nakaexpose kong balat sa abs nya nakabakat sa damit nyang basa.

His chocolate brown eyes darkened.

"Bakit namumula ka? May masakit ba sayo?" tumaas ang kamay ko para haplusin ang pisngi nya.

Bigla syang yumuko.

Nanlaki ang mga mata ko ng huminto ang mukha nya, iyong malapit na malapit sa mukha ko.
Hawak-hawak nya parin ang dulo ng damit  ko, ramdam ko ang paglamukos ng kamay nya ruon.

Hala! Bakit? Nisasapian na naman ba si Bev?

Napakurap-kurap ako.

"Bev..."

Pagkatapos bigla nya akong binitawan.

"Shit!" He said bago tumalikod sa akin. "Maligo ka na. Be quick Ysa."

Umakto syang lalabas na ng pinto, maagap ko syang pinigilan sa braso.

"Ayaw, aalis ka na naman eh" ang higpit ng pagkakahawak ko sa braso nya.

Nilingon nya ako.

"Ayoko ko ng magtaguan Master, lugi ako eh ang dami mong tataguan,.. don't go please."

Muli nya akong nilingon at muli nakita ko iyong ngiting bibihirang lumilitaw sa mga labi nya.

Lumapit syang muli sa akin magaan akong niyakap at hinalikan sa noo.

"Hindi na...hindi na ako magtatago." He said after the kiss.

"Talaga?"

Tumango sya.

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon