33. Patunayan

85.4K 2.3K 429
                                    

Vane and Ysa stay like that for a moment.

Nasa likod nya ang binata at tila nakayakap ito sa kanya.

Parehong walang kumilos sa kanilang dalawa.

She was savoring the moment, this familiar heat, electricity and tingles... she miss this.

Kung pwede lang na humarap sya at magpakulong na ng tuluyan sa bisig nito.

Kung pwede lang...

...kung pwede lang na bumalik na ang lahat.

Kung puwede lang...

But the he let go. Binitawan sya nito, umatras ito ng dalawang hakbang palayo sa kanya.

A sudden emptiness, that what she felt the moment na naiwan syang nakatayo doon.

Segundo pa lang nilamig na sya... ...segundo pa lang gusto nya ng muling mapadikit dito. Segundo pa lang hinahanap-hanap na ng katawan nya ang init nito.

Malungkot syang ngumiti kasing kalma ng dagat na tinatanaw nya ang kanyang mukha nya, ngunit her inside, specially her heart's in turmoil. Inilagay nya ang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon, kumuyom iyon doon.

"Huwag na tayong magkunyari." She said sa mga taong nasa likod nya. "Alam natin na ayaw nyong hingin ang tulong ko." Humarap sya.

Nagtagpo ang mga mata nila ni Vane. Parehas ng kanya blanko din ang tskolateng mga mata nito.

"Hindi mo ako kailangan dito." Sabi nya sa binata.

Tahimik lang ang lahat habang nakatingin sa kanila.

"You're right, hindi ka namin kailangan dito...hindi kita kailangan."

Inaasahan nya na but still, masakit pa din pala.

She feel her heart bleed because of that pain.
A pain na hindi mo makikita o mababakas sa mukha nya.

Tumaas ang isang sulok ng labi nya.

Nakatalikod sya sa panghapong araw at ang sinag niyon ay tila korona sa kanyang ulo, it made her smile dazzling.

"Then aalis na ako rito, sigurado akong sinusuka nyo na ang presensya ko hindi ko naman gusto na sumakit ang tyan nyo." Pagkasabi nya nuon naglakad sya palampas sa binata.

Sinadya nya rin na dumaan sa gitna ni Yverez at Severino.
Sa gitna nilang lahat, sa likod nya nakasunod ang tatlo nyang beta.

"Ysa."

Napahinto sya sa paglalakad ng may tumawag sa kanya.

Nawala ang pagkapoker face ng mukha nya ng makilala kung sino iyon.

"Tita." As she said that lumapit sya sa Mama ni Vane at nakangiting yumakap dito.
"Tita Sophie." She whisphered habang nakayakap dito.

Sophie can feel Ysa's pain. She can read it in her voice.

"Tita ang bad...bad ng anak nyo." Dagdag na bulong pa ng dalaga sa kanya na tila nagsusumbong.

Inilayo nya si Ysa sa kanya.

Sya lang ang nakapansin...sya lang ang nakapansin sa luhang namimintana sa mga mata nito.

An unshed tear.

An unshed tears for broken love.

"I know hija... I know." Sabi nya.

Parang nadurog ang puso nya. Ang dating matamis nitong ngiti at ang minsang masayahin nitong mukha ay napalitan na ng lungkot at sakit.

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon