12. Hindi Bati

68.1K 1.9K 257
                                    

For Ambrosia100. Thanks po sa support😀 at mga like☺.

*****

"Marunong kang magmagic?" Tanong sa akin ni Stephano ng makasakay kami muli sa sasakyan.

Nilingon ko sila at tumango.

"Saan galing iyong mga minions?" Si Chezter.

Biglang nalukot ang mukha ko.

"Sa akin po. Nakita ko kanina umaga sa palengke nagandahan ako kaya binili ko. Di ba ang cute nila." Ngumuso ako. "Itatabi ko sana sila sa pagtulog kaso iyon nga po." Tapos ngumiti ako. "But it's okay napatigil naman sa pag-iyak si baby."

"Saan ka natuto ng magic?" -Stephano.

"Kay Mama."

"Paano mo nagawa iyon?"

Bigla akong umiling.

"Ay sabi ni Mama ko. Hindi binubunyag ng magician ang magic nya eh."

"Can you teach me?" Si Stephano.

"How to doggie?" Ako.

"Huh?" Sya.

"Sabi nyo teach me eh akala ko dudugtungan ko ng how to doggie."

"Pffft no. Baka patayin ako ni Vane kapag nagpaturo ako ng ganon sayo. What I mean is can you teach me how to do magic?"

"Ahhh...linawin nyo po kasi. Pwede naman po."

"Really!"

"Tss. Tumigil ka nga Stephano. Bakit magpapaturo ka sa Elf na iyan." Si Barbie.

"Eh kasi po marunong akong magmagic. Bakit kayo po ba marunong?" Tanong ko.

Binigyan nya ako ng matalim na tingin.

Hala bakit ba nagtatanong lang namanah. Kasi kung marunong sya, eh di sa kanya na magpapaturo si Master Stephano di ba.

"Anong sinabi mo sa lalaki kanina?" Sabi ni Bev kaya napatingin ako sa kanya.

"Ha?"

"That guy, bakit sya tumakbo ng may ibinulong ka? Why he looked so afraid?"

"Ha...eh...ih.." napakamot ako sa ulo.

"Pasensya na po Master bawal sabihin eh. Lagot na nga po ako kay Ylac tapos mas lalong lagot ako kapag sinabi ko sa inyo."

"Why?"

Huhuhu bakit ang daming tanong ni Bev ko?

"Eh...basta nga po."

"So hindi mo sasabihin sa akin." Tinignan nya ako. Wala akong mabasa sa mukha nya.

Umiling ako.

"Iyong pinagbigyan mo ng plate number kanina sino iyon?"

Umiling ulit ako.

"Hindi ko rin po pwede sabihin."

Nagdilim na ang mukha nya.

"So you're keeping secret to me. Tell me sino si Angelique Ysa Santiago?"

"Ako po." Mabilis kong sagot.

Tinignan nya ako ulit bago itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"Baba." He said. Nagkatinginan iyong apat sa likod.

"Ha?"

"Bumaba ka." Deretso akong tinignan ng kulay tsokolate nyang mga mata.

"B-bakit?"

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon