36. Pinoprotektahan?

79.7K 1.9K 354
                                    


Para sa dalawang taong tinatangkilik ang mga kwento @andeakatrina thanks bhe sa pagbabasa😊 at kay @cheniepobadora salamat ng pagbibigay ng oras sa pagd-drawing ng chapter ng HBEBGA😊 salamat sa inyo dalawa😊😊😊

*****

Mabilis na lumabas si Ysa ng library pagkatapos marinig ang sinabi ni Stendi.

Nasa west gate ang mga kalaban, ayon sa report ng binata.

Sigurado na sya na may traydor dito sa Maligdan sa higpit ng security paanong nakalusot ang grupo ng DMC.

Tumatakbo sya papuntang west gate, samantalang ang mga estudyante naman ay papunta sa lugar kung saan sya nanggaling halata ang takot sa mukha ng mga ito dahil patuloy parin ang putukan.

Papaliko na sya sa patutunguhan ng may humarang sa kanya, mga miyembro ng KH at BW.

"Hindi ka pwede dito Elf." Sabi ng isa na miyembro ng KH.

Kumunot ang noo nya, lalampasan sana ito kaso pinalibutan sya, lima sila at may lima pa na nagbabantay kung sakali makalusot sya.

"Anong kagaguhan to?" May pagsabog silang narinig. "Damn! Padaanin nyo nga ako."

"Pasensya na pero ang utos sa amin lahat ng Elf ay kailangan dalhin sa ligtas na lugar."

"Hindi ako kasali don." Lulusot sana sya pero muli hindi sya pinadaan. "Tang'na aalis kayo dyan o pagsisipain ko kayo."

Hindi tuminag ang mga ito.

"Hindi nga ako kasali sa kailangan nyong protektahan." Nang hindi parin tuminag ang kausap nya kumuyom ang kamay nya para sapakin ito.

"May utos mula kay Master Vane na ilabas ang lahat ng Elf dito sa MC at protektahan."

"Kuya ang kulit mo hindi nga ako--"

"especially you Ms. Ysa."

Natigilan sya. "W-what?"

"Master Vane says na kailangan protektahan ka namin at ilabas ng ligtas dito sa MC."

Umawang ang labi nya. Hindi nya alam kung paano magr-react sa sinabi nito, nang makabawi napabuga sya ng hangin.

"Tsss, ang lakas ng tama nyang Master nyo." Inis nyang sabi.

Itutulak nya na sana ang mga ito ng biglang may sumabog di kalayuan mula sa kanila, kasunod ng sunod-sunod na putukan. Kitang-kita nya ng bumulagta ang lalaking kausap at halos kalahati ng mga kasama nito.

Napayuko sya at napatakbo sa likod ng konrektong upuan.

Napamura sya ng walang habas na magpaulan ng bala ang mga lalaking sakay ng isang maliit na truck.

"Ahhh!"

Napalingon sya sa kanan ng marinig ang boses ni Gen, nakita nya itong nakatago sa isang puno nakaupo habang nakatakip ang dalawang kamay sa tenga at nakayuko.

Inilabas nya ang baril at pinuntirya ang driver ng truck.

"Eat that asshole!" Sigaw nya bago tinakbo ang pwesto ni Gen.

Iyong natira sa mga estudyanteng lalaki na kausap nya kanina ay binabaril na rin ang mga kalaban na nakatalon sa truck na bumangga sa fountain at ngayon ay binabaril sya.

"Y-ysa." Takot na takot na sabi Gen nang makalapit sya.

"Tara."

Hawak ito sa kamay na tumakbo sila palayo sa mga kalaban.

May mga estudyanteng silang nadadaanan na kanilang sinasama sa pagtakas palayo sa gulo.

Nakasunod din sa kanila ang mga estudyanteng lalaki na prorotektahan daw sya.

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon