58. Init

63.2K 1.5K 296
                                    

Note: SPG

*****

Naranasan mo na ba iyong pakiramdam na tila sasabog ang puso mo dahil sa sobrang saya? Iyong pakiramdam na ikaw ang pinakamasuweteng  tao dahil naglalakad ka papalapit sa taong mahal mo at alam mong  naghihintay sya sayo sa dulo.

Iyan ang nararamdaman ni Ysa habang naglalakad papalapit kay Vane na nakatayo sa harap ng altar.

Yes.

This is it ito na ang kasal nila. Hindi niya alam kung paano nagawa ni Vane pero one week after nito magpropose nagulat nalang sya ng ipakita nito ang invitation ng kasal nila.

Strawberry heartshape iyon na hawig ni Bevvry. Tuwang-tuwa sya at cute na cute. Pero ang mas kinawindang nya ay nang mabasa ang date ng kasal nila.

August 12, paanong naayos nito ganon kadali ang lahat.

"I can't wait to have you Miss. Malapit ng masira ang ulo ko sa pagpipigil." Sabi nito na sinagot nya ng, "eh?"

Siguro mga isang oras bago nya naintindihan ang sinasabi ni Vane.

"Hindi ko naman sinabi na magpigil sya ah," Naisip nya na hindi na isinatinig dahil mukhang talaga nahihirapan si Bev nya.

🎵 Beautiful in White:  Shane Filan🎵

🎶Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous
I couldn't speak
In that very moment I found the one and
My life had found its missing piece🎶

Heto na sya ngayon naglalakad papalapit kay Bev. Brown and red ang motiff ng kasal nila. Originally dapat sa simbahan ang kasal pero hiniling nya kay Vane na sa Paradiso nila gawin na sinang-ayonan naman ng binata.

Naka above the knee white wedding dress sya na may burda na pink strawberry strapless iyon. Hindi sya nakasuot ng belo. White roses ang nakalagay sa ulo nya na ginawang korona. Nakalugay ang maikli nyang buhok. Suot nya ang chain necklace na may pangalan ni Vane. At walang kahit anong sapin ang paa nya.

Nagkalat ang mga strawberry balloon sa paligid na may nakasulat na...
Miss & Bev wedding o kaya ay Santiago & Montereal nuptial.

Maraming tao. Hindi man pormal na ipinahayag, ang kasalang ito ay ang pagbubuklod din ng dalawang angkan/samahan na parehong malaki, malakas at makapangyarihan.

Kaya naman napakamaraming tao ang dumalo. Halos mapuno ang daungan ng Villa. Sigurado din na walang kalaban na magtatanggka pumasok dahil bukod sa mahigpit ang security lahat ng D&A ay naroon pati narin ang lahat ng Family Soldier.

Humigpit ang pagkakahawak ni Ysa sa braso ng ama ng lumusong sila sa malamig na tubig.

Sa gitna ng ilog nakatayo ang ang isang makeshift stage kung saan nakatayo ang altar. Tubig ang nagsisilbing isle.

Lalakad sila hanggang sa umabot sa tuhod ang tubig bago aakyat sa stage.

Nakapaa ang lahat maging ang pari sapagkat may hanggang sakong na tubig pa sa may stage na bahagya gumagalaw dahil sa alon na nililikha ng talon.

Sa tabing ilog nagkaglat ang mga mesa kung saan nakapwesto ang mga bisita. Madaming pagkain din ang nakahain.

Tatlo ang cake nila na isa sa nagsisilbing atraksyon ng kasal.

A three layer Pizza cake, three layer strawberry cake & five layer chocolate cake. Lahat galing sa mga kaibigan nila ni Vane.

"Hindi ako makapaniwala na ikakasal na ang prinsesa ko." Narinig niyang bulong ng ama.

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon