56. Dilim, Pula at Liwanag

52.5K 1.4K 193
                                    

Bang.

Umalingawngaw at bumingi kay Ysa at sa mga kaibigan nya ang putok ng baril.

Nanlalaki ang mga mata nina Chezter, Stephano at Stephanie. Habang natigilan naman at nanlalamig ang katawan ni Vane.

Si Ysa nanlaki ang mga mata habang pinagmamasdan ang lumungayngay na katawan ni Barbie na binaril ni Federico sa dibdib.

"Kayang-kaya ko kayong paglaruan ngayon hija. Hawak ko ang buhay nyong anim, kaya siguro naman hindi na kita dapat kilalanin." Nakangising demonyo na sabi Federico habang nakatingin sa kanya.

"Barbie!"

"Hayop ka!"

Lalong nagwala sina Vane kahit si Stephanie nagpupumilit nang makaalis sa pagkakagapos.

"Hindi muna kita papatayin papahirapan muna kita habang pinapanood ka ng nobyo mo. At sisiguraduhin ko na hindi sya mag-eenjoy sa panonood sayo."

"Damn you Federico, damn you!" Parang halimaw na gustong kumawala si Vane lalo na ng hampasin sya ni Federico ng baril sa gilid ng ulo.

"Kalasan nyo itong babae. Baboyin sa hara ni Montereal at ng mga kaibigan nya. "

Parang nanlaki ang ulo at tuluyan ng nanlamig ang katawan ni Vane sa narinig. Lalo na ng kalagan ang babae at patulak na pinaluhod.

Nag-apiran naman ang mga alagad ni Federico. Sa isip ng mga ito, napakasuwerte nila dahil mukhang sariwa at bata pa ang babaeng walang kalaban-laban na mgayon ay nakaluhod sa harap nila.

May sumampal kay Ysa.
Si Don Federico muling umupo sa kinauupuan kanina at ngumisi kay Vane na pilit na nanlalaban.

Ngising nawala ng makita nitong humandusay ang isa sa mga tauhan nito na humahalik sa leeg ni Ysa.
Nanlaki ang mga mata ng matanda ng makita na bali ang leeg ng tauhan padapa iyong bumagsak ngunit ang mukha ay nakaharap sa kisame. Hindi na nabura sa labi ng tauhan nito ang ngisi ng pagkasabik at pagnanasa kahit na nga wala na itong buhay.

"Anong-" then isa pa nyang tauhan ang bumagsak hanggang sa nagkasunod-sunod ang mga nakapalibot kay Ysa.
Nakaluhod ang babae. Maitim na maitim ang mga mata.

Kitang-kita ni Federico na walang kahirap-hirap na pinilipit ng babae ang ulo ng isa sa mga tauhan nya.

Napatayo siya sinenyasan ang alagad na barilin ang dalaga.

Hinila naman ni Ysa ang isa mga tauhan nyang patay at ginawang pananggalang sa mga bala. Kinuha nito ang baril at pinagbabaril ang mga tauhan nyang bumabaril rito. Tag-iisang bala lang bawat tauhan nya lahat patay na bumagsak dahil sa mga lethal na tama. Sa gitna ng noo, sa puso at ulo.

"Anong itinatayo nyo patayin nyo ang babaeng iyan." Utos nya sa mga tauhan nyang natulala.

Sumugod ang mga ito.

Halos mapanganga sya sa nasasaksihan.

Sinusugod ng mga tauhan nya ang nag iisang si Ysa at lahat ng mga ito ay walang kahirap-hirap na napatumba ng dalaga.

"Sino sya?" Napapaatras sya habang tinatanong sa sarili iyon.

Death & madness iyan ang nababasa nya sa mga mata ng babae. Hindi ito humihinto kahit na natamaan ito ng bala sa braso, sa balikat. Kahit na nasusugatan ito. Tila hindi ito nasasaktan sa mga natatamo pinsala.

She's like a killing machine na nakaprogram patayin ang lahat na nakikita kalaban.

Awang ang mga labi ni Vane habang pinagmamasdan ang kasintahan.
Nanlalaki ang mga mata ni Chezter habang pinapanood ang walang habas na pagpatay ng babaeng kaibigan nya.
Nangingilabot si Stephano habang nakatingin sa nababalot na ng dugo na si Ysa. At umiiyak na nakatingin si Stephanie habang nakikita kung paano hindi pinapansin ng kaibigan ang mga pinsala nito.

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon