16. Alagaan

66.8K 1.8K 299
                                    

Thanks you sa support MystiqueGold this chapter is for you😊

*****
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha.

Nagmulat ako ng mga mata at sinalubong ako ng puting kisame.

Ilang segundo pa bago ko marealize na nasa bahay ako ni Bev ngayon.

Ay mali! Bahay pala namin.

Hanggang ngayon nagtataka parin ako eh. Paano kami nagkabahay ni Bev eh hindi naman kami bumili ng bahay? Wala nga syang hininging pera sa akin.

Bumangon ako at bahagyang ngumiwi ng maigalaw ko ang nakasling kong braso.

Nagpatawag sya ng doctor kagabi at pinagamot ako, after na pilitin nya akong makipagbati sa kaniya.

Yes 'pilitin' is my word.

Pinilit nya talaga ako.
Ang daya eh,nanghahalik sya.
Kaya miski ayaw ko pa syang batiin, binati ko na.

Pero ayos pa lang way iyon. Kapag may hindi ako ka bati ganon gagawin ko. Effective eh.

"What are you thinking?" Napatingin ako kay Bev na nakatayo sa pang-apat na baitang ng  hagdan.

Hala ang yummy!

Namilog ang mata ko sa hubad barong katawan ni Bev.

Ayos umagang-umaga busog ang mga mata ko.

"Miss what are you thinking?" Ulit ni Bev.

"Katawan mo." Mabilis na sagot ko na kinagulat nya. "Why so yummy Bev?" Dagdag tanong ko pa.

Nawala ang gulat sa mukha nya at napalitan ng pilyong ngiti. Tuluyan na rin syang umakyat.

Bumilad sa aking mga mata ang makisig nyang katawan. Tapos nakacargo short lang sya kaya piyesta talaga.

Tangmilo! Ang kisig ng Bev ko.

Naupo sya sa kama at pinisil ang ilong ko.

"So naughty. Ang tinatanong ko ay kung anong iniisip mo a while ago, bago mo makita ang katawan ko." Natatawa nyang sabi.

Nilukot ko ang aking ilong nang bitawan nya iyon.

"Ah... iniisip ko na epektib pa lang way ng pakikipagbati ang kiss. Kapag may hindi ako kabati i-k-kiss ko na lang para bati na kami agad, para  okay na."

Iyong nakatawa nyang mukha napalitan ng gulat, then napalitan ng pandidilim.

"Ay packing tape!" Gulat na sabi ko ng kabigin nya ako sa batok,  hanggang sa sobrang napakalapit na ng mukha nya sa mukha ko.

"Try it at papatayin ko ang hahalikan mo."

Nanlaki ang mga mata ko.

Hala! Patayin kaagad!
Ay sabagay hindi naman pala puwedeng buhayin ni Bev kasi buhay na iyon. Tanga much Ysa.

"Remember this Angelique Ysa. Akin lang ang mga labing ito. Ako lang ang may karapatan humalik dito." Idinikit nya pa ang hintuturo nya sa labi ko. "Naiintindihan mo ba Miss? Ako lang! Papatayin ko ang kung sino mang hahalikan mo."

"Kahit magulang ko?" Tanong ko pabulong. Nalalasing na kasi ako sa mabango nyang hininga.

"They're exempted." Sagot niya palipat-lipat ang tingin sa labi at mga mata ko.

"Ah o...kay?"

"Siguraduhin mo na naintindihan mo dahil makukulong talaga ako ng di oras kapag may nakita akong kahalikan kang iba, gusto mo ba iyon?"

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon