25. Pigil

58.3K 2.1K 269
                                    

*****
"Hoy Nerd sigurado ka bang sasali kasa Hunting game?"

Mula sa panonood sa mga alon, napatingin ako kay Lady Barbie.

Nasa tabing-dagat kami. Nakita ko syang papunta rito kaya sumunod ako. Ayaw nya pa ng una, pero dahil sa pangungulit ko hinayaan nya na ako.

Nginitian ko sya.

"Hundred percent." Simpleng sagot ko.

Wala si Bev, mula ng umalis ako sa library hindi ko pa sya nakikita. Sabi nila may pinagawa daw rito kasama si Master Rolf.

Hindi ko na sya hinanap, alam ko naman na babalikan nya ako.

Hinarap ako ni Barbie sa kanya.

"Nerd, you need to be sure. Pinagbabawal ang pumatay sa larong iyon pero hindi ang manakit. Sasaktan ka ng kalaban mo at iiwan, na oo nga at humihinga pero malala ang pinsala, ang ilang sumali noon naputulan ng paa, nabulag, at ang masaklap buhay nga naging gulay naman. You need to be sure, tatanga-tanga ka pa naman."

Aray! Talaga itong si Lady Barbie, hindi talaga pwedeng hindi ako lalaitin.

"Sure na sure po ako"

Napailing-iling sya dahil iyong sagot ko malutong at siguradong-sigurado.

"Bahala ka, kapag namatay ka sige, sagot ko na ang kabaong mo." Inis na sabi nya.

Tumawa naman ako tapos bigla syang niyakap.

"What the--- hoy nerd bitawan mo nga ako!" Pilit nya akong tinutulak.

Lumayo naman kaagad ako saka sya nginitian ng matamis.

"Salamat sa pag-aalala Lady Barbie."

"A-anong pag-aalala, I'm n-not w-worried. Tanga! Hindi ako nag-aalala. B-bakit ako mag-aalala sayo." Nauutal na sabi nya na pinaningkitan ako ng mga mata.

I smiled sweetly.

"Tara na nga. Gutom lang iyan kung ano-ano ang pumapasok sa isip mo."

Nagsimula syang maglakad kaya sumunod ako.

Paglalakad na napahinto ng may dalawang babae ang humarang sa amin.

Kilala ko sila pinsan sila ni Bev.

Andrea and Carol Montereal.

"Hey caz, look nagsama ang dalawang loser, isang anak ng lasenggera at traydor habang isang langaw na pilit pumapasok sa Family kahit na obvious na hindi sya karapat-dapat." Sabi ni Andrea na may lahing haponesa.

"Bagay kayong magkasama Barbie." Si Carol na may lahing koreana.

"Fuck off!" Sabi ni Barbie na lumipat sa harap ko.

Ngumisi iyong dalawang babae.

"Balita ko sasali ang babaeng iyan sa Hunting, tsk,tsk, kawawa yan Barbie siguradong hindi mananalo iyan. " si Carol.

"Gladys told us na tanga at walang alam iyang babaeng iyan. Mukhang sa bungad pa lang ng gubat hindi na makakaabot iyan!" ---Andrea.

"Poor you. Payo lang girl umalis ka na habang may pagkakataon pa, kasi kapag naglalaro ka na kahit umiyak kapa hindi ka na pwedeng umayaw." ---Carol.

Ngumisi si Barbie sa kanila.

"Kayo? Kaya nyo na ba ako? Nang huli tayong magkita-kita iniwan ko kayong tulog at walang malay dahil hindi nyo kaya ang mga suntok ko. Do you want us to play that again?"

Nang humakbang papunta sa kanila si Lady Barbie napaatras sila.

"Ang yabang mo parin babae ka!" Galit na sabi ni Carol.

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon