57. Magpapakasal

54.8K 1.5K 160
                                    

H/n ; Huling hirit na pwede ba akong humingi ng comment at vote dito at sa mga susunod na chapter? 😊😊😊 salamat.




****
"Ysa!" Sinalubong si Ysa ng mahigpit na yakap ni Audrey at Gen ng magkita-kita sila sa Canteen.

"Kayaaaah waaaa na miss ko kayo." Sabi niya.

"Kumusta ka na?" Urirat kagaad sa kanya ni Audrey ng maupo sila.

"Ayos lang ako."

"Buti pinayagan ka na ng bantay mo pumasok, grabe eh alam mo bang kahit dalaw hindi niya kami pinayagan para daw makapagpahinga ka." Dagdag pa ni Audrey.

"Eh bantay? Sino? Hindi naman ako nakulong bakit may bantay ako?"

"Si Vane. Grabe ka nyang bantayan." Singit ni Gen na syang sumagot sa tanong nya.

"Eh? Hindi ko naman maalala na nakulong ako eh, kelan ba iyang sinasabi nyong binantayan ako ni Vane."

Nalaglag ang panga ng dalawa habang nakatingin sa kanya.

Napapalo sa noo si Audrey. "Don't tell me bumalik ka na naman sa dati." She said.

Kumunot ang noo nya kinalabit si Gen. "Gen nagbabago ba ang itsura ko? Nagkaroon ba ako ng sungay? Anong ibig nya sabihin bumalik na naman ako sa dati?"

Bumuka ang bibig ni Gen pero walang lumabas na tinig dito. Bakas sa mukha nito na hindi alam ang sasabihin sa kanya

Bigla naman nanlaki ang mga mata nya. "Hala waaa pizza." Tumayo sya. "Wait lang ha bibili muna ako."

Naiwan namang nakanganga sina Gen at Audrey habang nakatingin kay Ysa na tumatalon-talon pa habang papunta sa pila ng counter. Hindi alam ni Audrey kung ano ang magiging reaksyon. Napapalo nalang sya sa noo. "I think innocent Ysa is back."

Napatango rin si Gen. "Mas gusto ko  syang ganyan masaya. Laging nakangiti. Hindi katulad noon na seryoso sya at walang kaemo-emosyon ang mukha nya." She said na kinatango ng katabi.

"Yeah mas gusto ko rin  sya na ganyan kesa sa nakakatakot na Ysa."

Bumalik si Ysa na may bitbit na tray. Niyaya nya ang dalawang kasama na kumain saka nilantakan ang pizza na nasa harap

"San kaya si Bev?" Naisip ni Ysa habang patingin-tingin sa paligid.

Halos maghapon nya itong hindi na kita pagkatapos nilang maghiwalay sa parking lot. Hindi ito pumasok sa mga subject nito dahil may aasikasuhin daw ito. Nitext nya ito kanina na nireply-an lang nito ng...

'I love you, may importante lang ako ginagawa Miss you eat okay.'

"Ano kaya ginagawa ni Bev? "

Busy sya sa pagngatngat ng pizza ng lumapit si Gladys sa kanya.

"Hoy Ysa." Napatingin sya rito. "Hello lady Gladys kain ka." Yaya nya rito

Kinunotan sya nito ng noo. "Huwag mo akong yayain hindi tayo close."

"Eh?" Sya question mark ang mukha. "Hindi naman talaga tayo close lady Gladys nakaupo kaya ako dito tapos nakatayo ka dyan."

Natigilan si Gladys. Akala nya lalaban ng asaran si Ysa tulad ng lagi nito ginagawa simula ng bumalik ito.
Hindi man nya aminin nag-eenjoy sya sa pakikipag-away sa Ysa na palaban at marunong gumanti kapag sinasaktan.

Tinaasan nya ito ng kilay. "Sinasapian ka na naman ba ng katangahan?"

Kumunot ang noo ni Ysa. "Wala pa naman ako nakikilala na multong  katangahan ang pangalan Lady Gladys, kaya baka hindi ako sinasapian ng katangahan na sinasabi nyo."

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon