35. Makulit, Mainit

75.2K 1.8K 302
                                    

Dedicated to Angelica II advance happy birthday bhe 😊😊😊.



****
Ilang sandali munang nakatingin si Ysa sa kalangitan, may bagyo daw na parating pero himalang  may bituin sa kalangitan ngayon gabi.

"Oppss s-shory." Napahalak si Vane na nasa ibabaw nya.

Buti na lang bermuda grass itong binagsakan nila, kung nagkataon sugat-sugat ang nakalitaw nyang likod.

Tumigil sa pagtawa ang binata. Tinitigan sya. Kung may makakakita sa kanila malamang maeeskandalo sa ayos nilang iyon.

"Who are you?" Tanong ulit nito sa kanya. "Kamukha mo rin ang asawa ko."

Hindi nya alam kung nagbibiro ang binata o sadyang lasing lang talaga. Gusto nyang isipin ang una pero obvious na obvious na lasing ito dahil amoy na amoy nya iyong alak sa hininga nito, namumula pa nga't namumungay ang mga mata ng binata.
Still she's mesmerized by his brown eyes.

"Miss..."

Napailing sya.

"Huwag umasa Ysa, lasing yan malamang bukas balik na naman siya sa dati."

"What's your name?" Tanong ni Vane na lumapit ang mukha sa kanya.

"I'm nobody." Sagot nya na mabilis itong itinulak.

Napahiga ito samantalang mabilis naman syang tumayo.

P umikit ang mga mata ng binata.

Pwede nya itong iwan dito, hayaan na nakahiga ito doon, siguradong may makakakita sa binata, at malamang na hinahanap na ito ni Divine.

Bumuntung-hininga sya at maglalakad na sana paalis ng mabilis itong umupo at pigilan ang kaliwang pulsuhan nya.

"Where are you going?" Tanong nito na pilit na minumulat ang mga mata.

"Uuwi na ako, dadaanan ko na lang iyong mga kasama mo sasabihin ko na naandito ka." Malamig na sabi nya habang hinihila ang kamay.

Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay nya, pinagsalikop pa nga ng binata ang mga daliri nila.

"Uuwi? I want to go home too." He said habang tumatayo. Sumuray ito.

"Shit!" Mura nya ng muntik na naman silang matumba. "Damn umayos ka nga Master." Iniakbay nya ang braso nito sa balikat nya.

Humapit naman ito kaya napasubsob sya sa dibdib ng binata. "Stop cursing." He said.

Napatingala sya rito.
Sa pandinig nya kasi hindi ito boses lasing, namumungay parin ang mga mata nito.

"Naparami na yata ang h-hinom ko kamukha mo talaga ang asawa ko Miss."

"Hindi ako ang asawa mo, ni hindi mo nga ako girlfriend eh." Itinitulak nya ito pero ayaw nitong bumitaw, he laughed.

"Uwi na tayo." Sabi nito.

Napailing naman sya kasabay ng pagring ng  cellphone nyang nasakanyang  kaliwang hita na kasama ng baril na nakasuksok sa gun holster.

Dahil hindi naman nya maabot iyon, ginamit nya ang relos nya sa pagsagot.
Iyong hikaw nya ang nagsilbing headset at receiver, para madinig nya ang nasa kabilang linya.

"Beautiful nasaan kana?" Boses ni Tyleigr ang nasa kabilang linya.

"Tyleigr...uuwi na ba tayo? Okay, sige.  Wait lang may ina--." Natigil sya sa pagsasalita ng marinig nya ang busy tone sa kabilang linya.

Kumunot ang noo nya at napatingin sa relos nyang natatakpan ng malaking kamay ni Vane.

Hindi nya alam kung sinadya ng binata o hindi ang pagpindot sa stop button.

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon