4. Gulo

73.1K 2.1K 756
                                    

Dedicated to @drelynAmbor salamat po sa unang mga reads at votes.

At sa mga nagtatanong po.

Opo cellphone lang po ang gamit ko sa pagsusulat.☺ kaya ito ang pinakamahalagang gamit ko.

Enjoy reading📚📚📖📖





*****
"Are you okay?" Tanong sakin ni Bev ng huminto ang mukha nya kalahating pulgada mula sa mukha ko.

Napalunok ako.

"Huh?" at napatingin sa mga labi nya.

"Pwedeng pahalik isa lang." Request ng isang bahagi ng isip ko.

"Tumigil kang talandi ka!"

Nagkakaruon ng gera sa isipan ko hindi ko alam kung tatawirin ko ba itong maliit na pagitan ng mga mukha namin o ano.

Lalong nagkaruon ng gera ng lumipat din ang mga mata nya sa aking mga labi.

"Juice ko bakit parang umiinit?"

Nang muling gumalaw papalapit ang mukha nya, gumalaw naman ang kamay ko pahawak sa balikat nyang may tama ng baril.

Bumakas ang sakit sa mukha nyang huminto ang paglapit sakin.

Ako naman napakurap-kurap at halos magkandaduling dahil sa sobrang lapit ng mukha nya.

"Alis dyan?"

"Huh?"

Napatingin na naman sya sa mga labi ko sabay mura.

"Shit!"

Tinulak nya ako.

Pero hindi tulak na malakas bagkus nakaalalay sya sakin at ingat na ingat na para bang mababasag ako pag bibigla sya ng kilos.

Tumayo kami.

Kung may ilalakas pa ang tibok ng puso ko malamang daig pa nito ang speaker sa lakas ng tibok.

Nakarinig ako ng sigaw at mga ungol.

Si Vane na nakahawak  sa bewang ko ay hinila ako sa likod ng isang malaking bato.

"Stay here. Kahit anong mangyari huwag kang lalabas hanggat hindi kita binabalikan."

Nakangangang tumango ako.
Kahit hindi pumasok sa isip ko iyong sinasabi nya.

Busy ang utak ko sa pagr-reply ng eksena namin kani-kanina lang.

"Do you understand me?"

"Ha?" Napakurap-kurap ako. "Ah oo hindi ako aalis dito. Kahit abutin pa ng pasko, hangga't hindi ka bumabalik." Sabi ko.

Kumunot ang noo nya.

"Babalik kaagad ako." Singhal nya.

"Hala bakit nagagalit sya?"

"Naiintindihan mo ba babalikan kita kaagad. Kaagad Miss."

Pinagdiinan nya iyong salitang kaagad.

"Oo nga po. Hindi ko naman po sinabi na matatagalan kayo." Sabi ko naman.

Napabuntung-hininga sya.

Tumalikod naglakad ng tatlong hakbang huminto at muli akong nilingon.

Ilang segundo nya akong tinitigan bago sya bumalik sa mga kasamahan nya.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko. Ang bilis-bilis talaga ng tibok niyon.

Pagkatapos ramdam ko parin ang init ng katawan nya.

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon