54. Tradisyon

54.7K 1.5K 185
                                    

Kanina pa pinagmamasdan ni Ysa ang sarili habang nakaharap sa salamin.

Nakasuot sya ng isang tight fitting gown that revealed her figured with a ruffled layer skirt. Spaghetti strap iyon kaya kitang-kita ang balikat nya at medyo mababa ang likod kaya pati tattoo nya ay nakalitaw. Kulay cream iyon na hapit na hapit sa katawan nya. Naka messy bun sya at nakasuot ng isang black diamond earrings.
Perpekto na sana kung hindi lang sya nakasimangot.

After kasi ng may kumatok sa kwarto nya at sakloban sya ng telang itim sa ulo, dito sya dinala sa kwartong ito. Inayusan at dinamitan. Nakasimangot sya, kasi kaya pala sya dinukot dahil dumating na si Vane. Marahil nalaman ng nga taong ito na pupuntahan nya ang binata kaya dinala sya rito.

May tradisyon ang Family na hindi pwedeng magkita ang Hunter at Prey after ng HG. Sa gabi ng welcome party na muling magkikita.
Kaya pala ang bilis pumayag ni Bev sa kundisyon ng mga magulang nya na isang linggong usapan dahil talagang isang linggo sila hindi magkikita.

"Bakit kasi may ganito pang tradisyon, ang daming arte nitong Family." Nakasimangot na naisip nya.

May kumatok.

"You're ready." Nakangiting sabi ni tita Sophie sa kanya.

"Tita pwede ko po bang itanan na lang si Bev?"

Napakurap-kurap ang ginang na kasa-kasama nya sa loob ng isang linggo. Nahinto ito sa aktong pagyakap sa kanya ng marinig ang binungad nya tanong.

"Pakiulit Ysa."

Yumakap sya rito.

"Kasi nakakainis eh. Miss na miss ko na po sya tapos may ganito pa. Bakit hindi na lang kami magkita. Para mas happy," maktol nya.

Natawa si Tita Sophie sa sinabi nya gumanti ng yakap. "Ang cute mo talaga Ysa. But we need to do this hindi mo naman gustong ma-highblood sayo si Papa di ba?"

Sa loob ng isang linggo pamamalagi nya rito sa Villa. Hindi iilang beses na tumaas ang presyon ng Elders sa kanya. Ilan beses sya sumuway sa  utos ng mga ito. Kinontra ang mga sinasabi ni Severino. Ginawa ang mga pinagbabawal ni Yverez. She did anything  para mapatalsik sa Villa at mapuntuhan si Bev pero wala parin  nangyari andito parin sya.

"You will be the death of us young Lady." Galit na sabi ni Severino. Nakaupo ang mga ito habang nakatayo sya sa harap ng dalawa sa loob ng opisina.

Pinatawag sya dahil sa ginawa nyang pagtuturo ng baril sa mga bagong recruit na Family Security na hindi nya dapat gawin dahil ang utos sa kanya ay mag-aral kung paano maging asawa ng isang kabiyak ng lider ng Family at take note may teacher talaga sya.

"Naku hindi po mga lolo masyado pa po kayo malakas para mamatay."

"Tahimik." Sabi ni Yverez na hinampas ang mesa. Napasimangot sya. "Hindi ba ang utos namin sayo ay mag-aral ka. Hindi ka namin inutusan na maglaro ng baril."

"Eh kasi naman po nakakainip iyong pinapagawa nyo ." Rason ko naman.

Napahilot si Yverez sa noo.
"Ysa. Kailangan mong pag-aralan ang lahat ng dapat matutunan bilang mapapangasawa ni Vane. Gusto mo naman siguro makatulong sa kanya diba? And please, stop playing guns sa akin ka binilin ni Vane. Ano sa tingin mo ang gagawin nya kapag nasaktan ka."

Nagkibit-balikat ako. "Kahit naman ho hindi ko pag-aralan iyon alam ko at sigurado ako na makakatulong ako kay Vane in my own way. Sa bawat desisyon, sa bawat hirap at ginhawa sisiguraduhin ko na makakatulong ako sa kanya. At iyong sa baril po, alam naman po natin lahat na hindi  mangyayari iyang iniisip nyo."

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon